Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comedy bar manager, 1 pa patay sa boga

DALAWANG lalaki ang napatay na kapwa biktima ng pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Maynila iniulat kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD homicide, kinilala ang  unang biktimang si  Danilo ‘Dante’ Onanad, 52, manager ng comedy bar, umano’y kolumnista ng Diaryong Pinoy, residente ng Block 5, Ext., Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Dakong 7:00 ng gabi nakaupo si Onanad sa isang monoblock sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang hindi nakilalang salarin at agad pinaputukan ang biktima sa likod ng ulo na agad ikinamatay nito.

Samantala, binaril at napatay ng hindi nakilalang suspek si Jean Paul Cervantes, 28, residente  ng 29-D, Sta. Theresa St., Don Bosco, Tondo.

Ayon kay SPO1 Escarlan,  dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa eskinita sa Gate 58, Area H, Parola Compound,Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng scene of the crime operatives (SOCO) sa pamumuno ni Senior Insp. Liza Ang,  dalawang tama ng bala sa dibdib at tatlo sa katawan mula sa   hindi nabatid na kalibre ng  baril ang tumapos sa buhay ng biktima.

Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …