Itinanghal kamakailan ang Barangay Roxas ng pamahalaang lokal ng Quezon City bilang “First Place in Dengue Prevention” sa 37 barangay sa Fourth District ng Quezon City na kinakatawan ni Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr., sa Kamara de Representante.
Pinuri ni Marcos Estrada, Jr., punong barangay, ang committee on health, sanitation, and social services na pinamumunuan ni Tatta Gotladera, isang doktora, sa kanyang pagpapatupad ng isang matagalang programa upang ganap na masugpo ang sakit na dengue sa buong barangay.
Pinarangalan rin ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang Barangay Roxas bilang “Second Best Barangay in Disaster Prevention” dahil sa pagpapatupad ng isang programa upang mapag-handaan ang madalas na pagbaha sa mga mabababang bahagi, lalo na ang mga tabi ng Estero Roxas na dumadaloy doon.
Kasama ni Gotladera sa programa kontra dengue ang ibang kasapi ng komite na sina mga Kagawad Manette Salazar, vice-chair, Nonoy Salumbides, Mar Lalin, Clarence Lopez, at Rene Destreza, barangay administrative assistant. Tinulungan sila ng mga lider-NGO na sina Yang Lopez, Ely Hernandez, Vanic Aasa at Francis Ian Quesada. #
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com