Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Banana Split casts, inabutan ng lindol sa Bohol

NAKAKALOKA dahil na-experience ng buong cast ng Banana Split ang malakas na lindol sa Bohol. Bale postponed na ang taping.

“Pansamantalang na-cancel amg flights ng Bohol at Cebu kaya ‘di kami makaalis. Pero ngayon nagpa-book na. Mauuna ang mga artist. Grabe, sobrang lakas, nasa loob kami ng bus at para kaming nasa loob ng washing machine. ‘Yung building sa harap namin nagbibitak  na,” sey ng isa sa scriptwriter ng BS na si Josel Garlitos.

Ang nasa Bohol  na cast ng Banana Split ay sina Angelica Panganiban, Jayson Gainza, Pooh, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, Kim de Guzman, Jef Gaitan, at Alex Gonzaga.

Piolo, sasamahan ni Shaina sa pagtakbo sa SunPiology Color Run

TINANONG si Piolo Pascual  kung tatakbo pa rin ba si Shaina Magdayao sa kanyang 2013 SunPiology Color Run sa Nov. 23, Saturday, sa Bonifacio Global City. Baka raw kasi nasa abroad si Shaina.

Hindi binibigyan ng malisya ni Piolo ang mga kumalat na photos na nakaakbay siya at magka-holding hands sila ni Shaina.

Nagtawanan din nang tanungin si Piolo kung payag ba siyang makipag-one night stand kay Janet Napoles at bigyan siya ng P10-M.

Buong ningning niyang sinabi na kaya naman niyang kitain ang P10-M.

Hindi lang exclusive sa Star Magic ang run-and party na ito kundi iniimbita rin ni Papa P ang ibang artista ng networks.

Hanggang Nov. 15 lang daw ang registration sa www.sunpiology.com.

Ayaw daw kasing maparatangang ginagamit ang aktres/singer

MATTEO, GUSTONG GAWING PRIBADO ANG PANLILIGAW KAY SARAH

TULOY ang pag-iwas ni Matteo Guidicelli na pag-usapan si Sarah Geronimo.

“Let’s put it this way, I’ll keep it private also. One day I will say na lang, not now,”sambit niya.

May mga nagsasabi na ayaw maparatangan si Matteo na ginagamit niya ang Pop Princess pero matigas ang kanyang paninindigan na wala siyang itinatago. Never daw niyang gagawin na gamitin si Sarah.

“Whatever happens I want to keep it private right now,” bulalas pa niya.

Pero hindi idine-deny ni Matt na patuloy ang komunikasyon nila.

Basta hindi pa raw ito ang tamang panahon na magsasalita siya pero hindi naman daw nawawalA ang malalim na paghanga niya sa Pop Princess.

‘Yun na!

5th Star Awards for Music, star studded

STAR-STUDDED ang naganap na 5th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club na tinanggap ni Regine Velas-quez ang kanyang award na Female Concert Performer of the Year.

Nag-joke si Regine pagkatapos inialay ang kanyang award  sa kanyang amang maysakit.

“‘Tay pagaling ka na kasi malaki na ang gastos natin sa hospital,” panawagan ng singer sa ama.

Punompuno ang Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino noong Linggo ng gabi, Oktubre 13. Hindi nakarating si Martin Nievera para tanggapin ang kanyang Male Concert Performer of The Year. Si Pops Fernandez ang tumanggap ng kanyang tropeo. Sey nga niya sa entablado: ”Ako pa rin?”  na parang ang dating ay ako pa rin ba ang asawa ni Martin? Ha!ha!ha!

Pinatunayan naman ni Sarah Geronimo na siya ang karapat-dapat tanghaling Female Recording Artist of the Year, samantalang sinungkit ni Jed Madela ang Male Recording Artist of the Year award.

Ipinagkaloob naman sa Sa Isang Sulyap Mo ng 1:43 ang Song of the Year at ang Album of the Year ay kinuha ng Mga Kuwento ng Makata ni Gloc 9. PMPC Best Male Acoustic Artist of the Year (2013) naman si Noel Cabangon.

Nagsilbing hosts sina KC Concepcion, Xian Lim, Erich Gonzales, at Billy Crawford. Umpisa pa lang ng awards night ay nag-buckle agad si Erich.

Naging madamdamin naman ang tribute na ipinagkaloob sa Lifetime Achievement Awardee na si Freddie Aguilar, dahil sa makapanindig-balahibong awiting ipinagkaloob ng Final Four ng The Voice of the Philippines na sina Myk, Janice, Klarisse and Mitoy na sinamahan pa ng mismong awardee na si Ka Freddie.

Hindi naman nagpatalbog sina Erik Santos, Sam Concepcion, Rahda, Angeline Quinto and Vina Morales sa kanilang tribute sa  Icons of Original Pilipino Musicna sina Imelda Papin, Rey Valera, Rico J. Puno, Dulce, Vic Sotto, at Sampaguita. Sa pagkakataong ito ay umiyak si Dulce sa kanyang acceptance speech at naging emosyonal. Itinanghal na Male Star of the Night si Bryan Termulo at si KC angFemale Star of the Night.

Bukod sa mga nabanggit, nagdagdag din ng malakas na hiyawan ang presensiya niDaniel Padilla na nagwagi ng dalawang award—Pop Album of the Year at New Male Recording Artist of the Year. Nakaalis na agad si DJ kaya hindi na niya natanggap ang pangalawang award na napanalunan.

Mapapanood ang kabuuan ng PMPC 5th Star Awards for Music sa ABS-CBN’sSunday’s Best sa ika-20 ng Oktubre, 11:00  p.m..

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …