‘YAN po ang malakas na bulong-bulungan ngayon sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration(BI).
Si alias JUN BUHOL ay napakalakas at bagyo sa Department of Justiis éste’ Justice (DoJ).
Siya nga raw ang “little DOJ Secretary?”
Ang sabi nga ‘e … “what Buhol wants, Buhol gets!”
Whoa, bagyong-bagyo pala talaga sa lakas.
Kaya naman daw walang PALTOS ang lahat ng mga ipinalalakad niya.
Si alias Buhol daw ang right konek sa mga malalaking kaso sa DOJ.
At siyempre ganun din daw sa BI, mula sa LIFTING ng blacklist, extension visa, 9g visa, retirees etc.
Father and son tandem pa nga raw ang TIRADA/DRAMA ni alias Buhol.
Ang anak daw niya ang ginagawa niyang LIAISON ‘este’ sangkalan sa DOJ hanggang sa BI.
By the way, ‘yun utol daw nitong si alias Buhol ang right konek-person naman sa Ombudsman.
All-in one pala ang tropang ito!?
Hmmnnn … NO WONDER na mayroong isang Immigration official na imbes kasuhan ay ‘inalo-alo’ lang matapos siyang ireklamo ng isa pang dating opisyal sa Ombudsman.
ALAM na kaya ni SoJ Leila de Lima ang mga ops ni alias Jun Buhol!?
Just asking lang po!
SWELDO NG MGA EMPLEYADO PINAKIKIALAMAN NA RIN NG KAMAGANAK INC. SA PASAY CITYTALAGANG hindi yata serbisyo ang pagpasok sa politika ng ilang politiko sa Pasay City.
Ang LAYUNIN lang talaga nila ay para MAGKAMAL ng maraming KWARTA.
Isa na nga riyan ay ang pakikialam ng isang miyembro ng KAMAGANAK Inc., maging sa sweldo ng mga empleyado.
Dati raw kasi, kapag gustong i-advance ng isang empleyado ang kanyang sweldo o bonus ay may nalalapitan sila pero kakaltasan ng 2 percent.
Pero ngayon, isang KAMAGANAK Inc., na kung tawagin ngayon sa City Hall ay Mr. MC BANKER ang nanghihimasok sa sistemang ito.
KINOPO ang pagpapautang na ang kaltas ay ginawang 5 percent.
Naindulto raw kasi roon sa raket na TEXTBOOKS.
Dati kasi, itong si Mr. Banker ay kumukobra (60/40) sa nagsu-SUPPLY ng textbooks sa lahat ng paaralan sa Pasay City pero nitong huli ay sinipa na ang supplier at sila na ang hahawak.
Pero dahil sa MEMORANDUM na ipinalabas ni Education Secretary Armin Luistro na ang lahat ng textbooks ay DepEd na ang magsu-SUPPLY, nadale agad ang raket ni Mr. Banker kaya pinanghimasukan na pati sweldo ng mga empleyado.
Wala talagang kupas ang KAMAGANAK Inc., sa kasibaan sa kuwarta.
Kilala mo ba kung sino ang KAMAGANAK Inc., na si Mr, Banker, Mayor Tony Calixto?
PAKIKIRAMAY SA MGA SINALANTA NG LINDOL SA KABISAYAAN
UNA sa lahat, hinihiling ng inyong lingkod na tayo’y mag-alay ng taimtim na panalangin para sa mga kababayan nating nasalanta ng LINDOL sa KABISAYAAN.
MUKHANG malungkot na sasalubungin ng sambayanang Pinoy ang paparating na Kapaskuhan.
Hindi pa man nakararaos ang Zamboanga sa delubyo ng gera-gerahan at pananalanta ng bagyo at kalamidad ‘e nilindol naman ang Bohol at Cebu ng intensity 7.2 magnitude kahapon ng umaga.
Hangad po natin ang mabilis na recovery ng ating mga kababayan sa nasabing kalamidad.
Nawa’y bilisan ng PNoy gov’t ang pagbawi sa sandamakmak na nakaw na yaman nina JAIME at JANET LIM NAPOLES para ILAAN sa rehabilitasyon ng mga bayan na nasalanta ng LINDOL.
Bilisan din sana ng mga opisyal ng SSS na ISOLI ang P1-M BONUSES nila at itulong sa mga miyembro na nasalanta ng nasabing kalamidad.
Sabi nga ng mga kababayan natin lalo na ‘yung nasa labas ng bansa, INAALAT na naman ang PINAS.
Ibig sabihin, MINAMALAS!
Sino kaya ang dapat MAGPATAWAS?!
Dahil kaya ‘yan sa pagpapalit ng P7.8 million flagpole sa Rizal Park?!
Marami tayong naririnig na isang ‘ANGKAN’ daw talaga ang malas … kapag sila ang nasa itaas, inaabot ng delubyo ang Pinas.
Anyway, alam nating walang may gusto ng pangyayaring ito … hangad natin ang pagkakaisa ng sambayanan para sa recovery ng ating mga kababayan.
BARANGAY ROXAS NANGUNA SA PROGRAMA KONTRA-DENGUE SA QC
Itinanghal kamakailan ang Barangay Roxas ng pamahalaang lokal ng Quezon City bilang “First Place in Dengue Prevention” sa 37 barangay sa Fourth District ng Quezon City na kinakatawan ni Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr., sa Kamara de Representante.
Pinuri ni Marcos Estrada, Jr., punong barangay, ang committee on health, sanitation, and social services na pinamumunuan ni Tatta Gotladera, isang doktora, sa kanyang pagpapatupad ng isang matagalang programa upang ganap na masugpo ang sakit na dengue sa buong barangay.
Pinarangalan rin ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang Barangay Roxas bilang “Second Best Barangay in Disaster Prevention” dahil sa pagpapatupad ng isang programa upang mapag-handaan ang madalas na pagbaha sa mga mabababang bahagi, lalo na ang mga tabi ng Estero Roxas na dumadaloy doon.
Kasama ni Gotladera sa programa kontra dengue ang ibang kasapi ng komite na sina mga Kagawad Manette Salazar, vice-chair, Nonoy Salumbides, Mar Lalin, Clarence Lopez, at Rene Destreza, barangay administrative assistant. Tinulungan sila ng mga lider-NGO na sina Yang Lopez, Ely Hernandez, Vanic Aasa at Francis Ian Quesada. #
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com