Friday , November 22 2024

3 carnapper timbog, 2 pa dedbol sa enkwentro

TATLONG carnapper ang nadakip habang dalawa ang napaslang ng mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Quezon City kahapon.

Nasakote ng pulisya ang kilalang carnapper at narekober ang ninakaw na motorskilo habang nagsasagawa ng spotting ope-ration.

Kinilala ang notorious carnapper na si Arvy Salvador alyas Neo Salvador, na matagal nang  pinaghahanap ng pulisya dahil sa mga ninakaw na motorsiklo. Nahuli ang suspek habang minamaneho ang dilaw na Mio Sporty na walang plaka at helmet sa kahabaan ng Quezon Boulevard.

Sa ulat ng Manila Police District Anti-Carnapping Section (MPD-ACS), habang isinasagawa ang spotting operation sa Sampaloc at Quiapo, namataan ang suspek na minamaneho ang nakaw na motorsiklo.

Ang nakarnap na Yamaha Mio ay nakarehistro sa isang Maria Theresa Lualhati Baylon ng 916 B Quezon Blvd., Sampaloc, Maynila,  napaulat na nawawala noong Hunyo.

Samantala, nasa kamay na rin ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan ni Salvador, sina Norman Cunanan alyas ‘Norman’ ng 1075 Batangas St., Tondo, at si John Michael Mangu-labnan ng 1100 Molave St., Tondo, na tumatayong lider ng grupo na nasakote sa kanilang pinagtataguan.

Samantala, kapwa patay ang dalawang hinihinalang karnaper, nang makipagsabayan ng putok sa mga awtoridad kahapon sa Quezon City.

Isinusulat ang balitang ito, wala pa rin pagkakakilanlan sa mga suspek na nasa edad 25-30 anyos, nakaitim na t-shirt at maong pants, naka-bonnet at helmet.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang enkuwentro dakong 4:00 ng madaling araw sa Gen. Luis Street, Novaliches Q.C.

Bago ang shoot-out, tina-ngay muna ng mga suspek ang isang motorsiklo na pag-aari ng kinilala sa pangalang “Bong” at agad naman siyang  nakapagsumbong sa mga awtoridad.

Agad naglatag ng checkpoint ang pulisya kaya mabilis na naharang ang dalawa, pero imbes huminto, pinaputukan nila ang mga nagrespondeng operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga suspek. (LEONARD BASILIO/ JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *