LEGAZPI CITY – Nakaalerto ang buong lalawigan ng Masbate para sa nalalapit na barangay elections.
Ito’y matapos mailagay sa watchlist ng pulisya ang mahigit kalahati ng kabuuang 550 barangay sa lalawigan dahil sa mga lugar na ito maaaring mangyari ang kaguluhang isinisisi sa mga rebeldeng komunista o ng mainit na pag-aagawan sa pwesto ng mga kandidato.
Sa apela ni Masbate provincial election supervisor Alberto Cañares III, hiningi niya ang mahigpit na preparasyon para sa ano mang kaganapan na maaaring sumira sa takbo ng eleksyon sa Oktubre 28.
Sa kabilang dako, nangako ang commanding officer ng Philippine Army na si Col. Samuel Felipe na ibibigay ng kanyang tropa ang proteksyon sa mga tauhan ng pamahalaan na magsisilbi sa araw ng botohan at bilangan.
Ito’y kahit mas maliit ang kanyang pwersa ngayon kompara sa tropa na ikinalat sa Masbate noong May 13 midterm elections.
(HNT)