Friday , November 15 2024

Show of force

The eyes of the Lord are on the righteous and his ears are attentive to their cry…-Psalm 34:15

IBANG klase talaga kapag ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo (INC)ang magsagawa nang pagtitipon, lahat apektado.

Suspendido ang klase, pati mga opisina sa korte at iba pa,  dahil sa pagdagsa ng maraming kasapi ng INC sa Metro Manila.

***

UMABOT sa 1.6 milyon ang dumagsa sa Maynila para sa pagdaraos ng  “Kababayan ko, Kapatid ko, Lingap sa Mamamayan Project” ng INC at namahagi sila ng milyong relief goods, kahit sa hindi nila mga miyembro.

Sentro ang Lungsod ng Maynila sa pagdarausan ng kanilang proyekto, kaya naman parang isang malaking people power ang naganap kahapon.

***

LIMANG relief centerpoint ang  pinaglag-yan ng medical at dental mission ng INC isa na rito ang ating nasasakupang Barangay, ang Plaza Lawton, Magallanes Drive; Plaza del Carmen malapit sa San Sebastian Church; Plaza Avelino; sa Quinta Market sa Quiapo at sa Quezon Boulevard, malapit sa FEU.

Natatangi ang ganitong tulong ng INC, na mabuti na lamang at hindi sinamantala ng mga pulpol na politiko sa Maynila.

***

PERO kung susuriin natin mga Kabarangay, napakalaki talaga ng impluwensiya ng INC sa ating lipunan lalo na sa politika.

Nagkakaisa sila sa lahat ng bagay.  Sinusu-nod ang itinatagubilin sa kanila ng pamunuan ng INC, kung tutuusin ay bahagdan lang naman sila, kompara sa bilang ng milyong Katolikong Filipino sa bansa.

Pero bakit ganito na lamang ang kanilang pagkakaisa?

***

ISIPIN na lamang natin na ilang beses na nagtawag nang rali kontra sa pork barrel ang ilang sector, pero ‘wa epek pa rin ang panawagan.

Kung ang INC ang nanawagan laban sa pork barrel, aba e baka kasunod na nito ay “people power!”

***

MALINAW ang ipinapakitang mensahe ng mga kapatid natin sa INC, ang pagbubuklod sa iisang pana-naw ang magiging daan upang maipakita ang kanilang puwersa nang pagkakaisa sa Diyos at sa Ba-yan. Sana, maging ang mga Filipinong Katoliko ay may ganito rin pananaw. Iwasan na ang pagkanya-kanya, iwasan ang pagiging makasarili dahil wala naman talaga nabubuhay para sa sarili lamang dito sa mundo na ating pinagmulan.

ANG MANILA BOYSTOWN ATBP

ANG dami pala naipatapon sa Manila Boystown na mga career officials ng Manila City hall.

Sa mga hindi nakaaalam, ang Manila Boystown ay pagmamay-ari ng city government at matatagpuan ito sa Parang, Marikina.

ANG Manila Boystown ay isang sheltered place ng mga ulila, matatanda at iba pang na-ngangailangan ng kalinga sa ating lipunan.

Nasa pangangalaga ito ng Manila Social Welfare Department (MSWD). Pero ito rin ang nagsisilbing ‘tapunan’ ng mga opisyal, kawani ng city hall na nagsilbi sa mga nakaraang admi-nistrasyon.

Kapag naging “loyal” ka noon, tapon ka!

***

PERO sayang ang mga career officials na walang ginagawa at hindi napakikinabangan ng mamamayan ng Lungsod ang kanilang talino at galing. Sumasahod sila nang tama pero walang ginagawa.  Naghuhuntahan lamang ang mga opisyal sa ilalim ng puno ng mangga.

Dahil lamang sa politika, pati sila ay nadada-may na “casualties” sa labanan. At madalas ay nagsisilbing mga collateral damage  pa sila.

Ano kaya masasabi rito ni City Ad Si-meon Garcia?!

***

SIYANGA pala ‘wag sanang mapikon si CT Ad Garcia sa mga banat natin sa kanya patungkol sa “unjust memo” na ipinalabas niya laban sa mga kawani na uma-absent kahit isang araw lamang ay kailangan maglabas ng medical certi-ficates.

Sir, huwag sana kayong magbalat sibuyas, tinanggap ninyo ang puwestong ‘yan kaya isa na kayong government official. Kung ayaw ninyong mabatikos e ‘di umuwi na kayo sa Nueva Ecija at magtanim na lamang ng kamote.

Dahil ang mga Manileño ay hindi mga pikon!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *