Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rice self-sufficiency isang panaginip

Malaking dagok sa sector ng agrikultura ang pananalasa ng Bagyong Santi nitong nakaraang weekend. Tatlong pinakamalalaking probinsiya kung saan nanggagaling ang supply ng bigas ang tinamaan, kasam ana ditto ang aming lalawigan sa Nueva Ecija. Dahil ditto isang malaking katanungan ngayon kung sasapat ba an gang lokal na supply ng palay para matugunan ang pangangailangan ng lahat.

Ipinagmamalaki ng Department of Agriculture ang inaasahang pagbuhos ng ani ng palay ngayong buwan hanggang bago matapos ang taon. Ngunit tila hindi na ito mangyayari dahil sa pananalasa ni Santi. Daan libong metriko tonelada ng palay ang nasira. Kawawa naman ang mga apektadong magsasaka.

Isang malaking palaisipan sa akin ngayon kung saan tutungo ang RICE SELF-SUFFICIENCY PROGRAM ng DA na ilang taon nang ipinagmamalaki ni Sec. Proceso Alcala. Alam po ninyo, mga kanayon, malaki ang aking duda sa programang ito. Una, paanong magiging supisyente ang supply ng palay kugn ang mga probinsiyang inaasahang aani ng binhi ay lagi na lamang tinatamaan ng bagyo? Ang pangunahing kalaban ng programa ay ang kalikasan mismo. Ang tanging paraan para matupad ang pangarap na ‘yan ay ang pigilin ang pagdatin ng malalakas na bagyo kada taon. At ‘yan ay IMPOSIBLE. Pangalawa, lumalaki ang populasyon at patulyo na dumadami ang mga Pinoy. Dumadami rin ang mga nagugutom. Hindi po ba? Bakit? Dahil mali nga ang food program ng pamahalaan. Isama pa ditto ang CORRUPTION sa DA at mga ahensiyang nasa ilalim nito gaya ng NATIONAL IRRIGATION ADMINSITRATION na ginatasan lamang nga mga dating opisyal na ang hukli ay si Antonio nangel na bata ni Alcala. Madaming corrupt na mediaman daw ang nasa payola ng mga opisyal na ‘yan. Talaga lang ha!

Anyway, ang uiaktlong dahilan kung bakit duda ako sa programa na ‘yan ay ang katotohanan na patuloy na lumiliit ang mga sakahan. Nauubos ang mga bukid dahil sa industriyalisasyon. Ngayon, paanong mangyayari na magiging supisyente tayo kung patuloy na lumiliit ang mga palayan, lalong lumalago ang bilang ng mga Pinoy at patulan na hinahambalos kada taon ng mga bagyo ang sector ng pagkain? Gumising po tayo sa katotohanan na walang kinabukasan sa programang ‘yan ng DA. Isa pang paraan para matupad ang mithiing sapat na pagkain ay ang pagdaragdag ng mga bukirin sa mga lugar o probinsiya na hindi gaanong sinasalanta ng bagyo. Maraming ganito sa Mindanao. Kaya’t maaring i-develop na FOOD BASKET ang ka-Mindanawan.

Sa ngayon, asahan na po natin na isang aaraw mag-aanunsioy ang gobyerno na hindi natupad ang inaasahan nitong ani ng palay. Eh paano na ngayon ‘yan?

Kumain na lang tayo nga kamote.

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …