INAMIN ni Petron Blaze head coach Gee Abanilla na nadiskaril ang kanyang koponan dahil sa sobrang pisikal na depensa ng San Mig Coffee sa Game 2 ng PBA Governors’ Cup Finals noong Linggo ng gabi.
Nakabawi ang Coffee Mixers, 100-93, upang itabla ang finals sa tig-isang panalo.
Isa sa mga ikinalungkot ni Abanilla ay ang pag-foul-out nina Junmar Fajardo, Arwind Santos at ang import ng Boosters na si Elijah Millsap sa huling yugto.
“Fouling out the best three players in your team kind of damages how you play,” wika ni Abanilla. “It just changes the complexion of our game. We lost focus and they (Mixers) played well.”
Bukod dito, nagulat si Abanilla sa sobrang daming free throw na naibigay ng mga reperi sa mga manlalaro ng San Mig.
“We just couldn’t get to the line even though we were aggressive, the game plan was to really attack, it seems we couldn’t get to the free throw line. Maybe, there’s some fault on our part. We’re gonna make some review again,” ani Abanilla.
Nangako si Abanilla na babawi ang Petron sa Game 3 ng finals bukas ng gabi.
“The true test of character is not when you win games. It’s a matter of refocusing our efforts. And I’m just hoping we could adjust to the calls of the referees and we shouldn’t be affected by it,” pagtatapos niya. (James Ty III)