MAAARI bang gamitin ang kyanite para sa good feng shui? Ang kyanite, katulad din ng ibang crystal o bato, ay mayroong special meaning, gayundin ng unique properties.
Ang kyanite ay maaaring makatulong sa mga tao na may busy lifestyle dahil ito ay nagsusulong ng inner balance, gayundin ay nagpoprotekta mula sa negatibong mga impluwensya.
Kadalasang iniisip ng mga tao na ang kyanite ay blue lamang. Gayunman, may iba’t ibang kulay ang kyanite, maaaring makakita ng puti, orange, green, o black kyanite. Ang bawat kulay ay mayroong specific properties.
Halimbawa, ang black kyanite ay mayroong karagdagang grounding and protective properties, dahil konektado sa enerhiya ng root charka. Ang lahat ng black color ay nagpoprotekta – mula sa black obsidian at tourmaline hanggang black onyx. Ang orange kyanite ay aktibo at pinalalakas ang sexual energy center, katulad ng iba pang orange stones, halimbawa ay carnelian.
Ang kyanite ay ilan lamang sa mga bato na sumasagap ng ano mang negatibong enerhiya, kaya hindi na nito kailangan ng cleaning (katulad ng citrine). Ang kyanite ay very peaceful stone din, banayad na binabalanse ang enerhiya ng indibidwal at isinusulong ang kalusugan at kapayapaan ng pagkatao.
Karamihan sa kyanite ay nagmumula sa USA at Brazil.
Ang kyanite ay mainam sa bedroom ng sino man, lalo na sa children’s bedroom. Pinakakalma nito ang enerhiya at pinalalakas ang taong taong may hawak o malapit dito.
Katulad ng rose quartz, ang kyanite ay nagdudulot ng healing and peaceful presence sa ano mang tahanan.
Sa feng shui, ang kyanite ay nagdudulot ng banayad, kalmadong enerhiya sa ano mang bagua area ng bahay o opisina. Maaari ring mag-display ng kyanite sa altar o gamitin sa meditasyon.
Lady Choi