PATAY ang isang 52-anyos negosyanteng dating punong barangay sa Malasiqui, Pangasinan matapos tambangan sa nasabing bayan habang kritikal naman ang kalagayan ng ABC president ng Sorsogon makaraang pagbabarilin kahapon.
Kinilala ni Supt. Benjamin Ocomen, hepe ng Malasiqui Police, ang biktimang si Arnulfo Macaranas, alyas Samboy, da-ting kapitan ng Brgy. Lareg-La-reg sa bayang ito.
Ayon kay Ocomen, patay na si Macaranas bago makara-ting sa pinagdalhang ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang balikat at tagiliran.
Ayon sa mga saksi, naglalakad ang biktima dakong 7 a.m. kahapon para puntahan ang kanyang kotse na nakaparada sa harap ng gasolinahan nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at malapitan siyang pinagbabaril.
Samantala, patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa mga suspek sa likod ng pananambang sa ABC pre-sident sa Sorsogon.
Kinilala ang biktimang kritikal ang kondisyon na si Ronald Malilin Oldo, mula sa bayan ng Donsol sa nasabing lalawigan.
Sa impormasyon, dakong 8 a.m. kahapon habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabaybay ang bahagi ng Brgy. Calungay sa bayan ng Pilar, nang salubungin siya ng dalawang armadong kalalakihan at siya ay pinagbabaril.
(JAIME AQUINO)