Monday , December 23 2024

‘Di pabor sa tig P1-M SSS bonus, dumarami

‘Gandang araw uli mga kasamahang miyembro ng Social Security System (SSS). Hindi ta-laga maiwasan – parami nang parami na ang nagagalit sa pamunuan ng SSS. Noon pa man, wala pa iyang ‘pambubulsa sa kontribusyon ng mga miyembro, este, wala pa iyan bonus ay marami nang galit sa SSS. Bakit?

Hindi na natin kailangan isa-isahin pa kung bakit maraming miyembro ng SSS ang galit sa ahensya. Hindi pala sa ahensya kasi ang ahensya ay malinis at maayos, at sa halip galit sila sa pamunuan ng SSS.

Ngayon ay bigyan pansin naman natin ang statement ng grupo ni Gie Relova kaugnay sa bonus ng mga hunghang este, opisyal ng SSS. Tig-P1-M po sila. Umaayos kayo ha! Basahin natin ang statement ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

“Mababa pa sa family living wage na tinatakda ng Konstitusyon ang tinatanggap naming sahod tapos nakikinabang pa kayo sa sahod na kapos kahit para sa aming pamilya,” ito ang sinasaad sa isang online petition na humihiling sa mga opisyal ng Social Security System (SSS) na ibalik ang mahigit 10 milyong pisong bonus na tinanggap nila.

Matapos lamang ang tatlong araw na nakapaskil sa website na change.org, lagpas 400 netizen ang sumusuporta rito. Ang petisyon ay inisyatiba ni Gie Relova ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ang nasabing grupo ay naglunsad ng rali sa tanggapan ng SSS noong isang linggo.

Kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros nakapatungkol ang petisyon, hiling din na kapag naisoli na ang mga tinanggap na bonus, dapat gamitin para sa karagdagang benepisyo at huwag nang ituloy ang naka-ambang dagdag na .6% kontribusyon ng mga empleyado.

“Ang kawalan ng puso ng mga opisyal ng SSS ay isang kahihiyan na nararapat lamang umani ng pinakamatinding galit mula sa mga manggagawa. Hindi pa kami nakauusad sa ginawa nilang pagpupursige sa karagdagang pasakit na .6%, ngayon naman ay winawaldas nila ang nararapat na para sa amin,” ani Relova.

Karamihan sa mga mensahe ng netizens ay mga pahayag ng disgusto sa mga opisyal ng ahensya na tinawag nilang ‘nakakahiya’ at isang ‘inhustisya,’ ilan lamang sa mga komento ang makakategoryang mahinahon. Ang iba nama’y umabot sa pagtawag sa mga tumanggap ng bonus na mga “kapal-mukha” at “mga baboy,” halatang pumapatungkol sa pork barrel scam na nasasangkot ang buong lehislatura at mga opisyal ng Palasyo.

Ngunit mayroon din namang mga mensaheng rasonable gaya ng pahayag ng isang Anna Marie Kapunan na, “Maaaring legal ang bonus pero imoral ang tumanggap ng bonus na galing sa pinaghirapan ng mga taong hindi naman ma-enjoy ang kanilang benepisyo”.

“Kailangan ipaunawa sa mga taga-GOCC (Government Owned and Controlled Corporation) na hindi sila nakahiwalay sa tao at ang kanilang kapasyahan ay hindi absoluto. Kailangan bumalik ang paninilbihan ng gobyerno sa orihinal na sadya nito – serbisyo,” sabi naman ng isang Samantha Poblacion ng Quezon City.

Nang tanungin kung ano ang susunod na hakbang ng grupo kung sakaling magmatigas ang mga opisyal ng SSS sa hiling nila, ipinaliwanag ni Relova na, “Malamang-lamang ay hindi sasapat ang petisyon dahil alam natin lahat na makapal ang mukha ni De Quiros at mga kasapakat niya. Dadalhin ng BMP ang laban sa inhustisyang ito sa parliamento ng lansangan.”

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *