Pinagalitan ni Finance Secretary Cesar Purisima ang kanyang Customs Commissioner na si Ruffy Biazon na lalong nagpaliit ng daigdig ni commissioner sa bakuran ng Bureau matapos niyang ipaglilipat ang mga empleyado at iba pang order na kanyang pinalabas nang walang pahintulot ni Secretary.
Tila tuluyang nabahag ang buntot ni Biazon matapos niyang sagutin ang katanungan ng mga taga-media ng “no comment.”
Hindi magandang senyales sa Bureau, na mismo ang commissioner at kanyang immediate boss na si Purisima ay magsisihan sa umano’y paglilipat ng mga opisyales at employees na hindi raw inihihingi ni Biazon ng aprubal sa Finance.
May batas naman nag-aatas sa Commissioner of Customs na isangguni muna ang anomang transfer ng bureau personnel kay secretary pero tila yata hindi ito sinusunod ni Biazon.
Tulad nga naman ng pagde-detail sa isang security guard bilang warehouse man na ang binabantayan ay mga kargamentong daan-daang milyon na taxable goods. Paano kung smuggler pala ang operator at kasapakat ni sekyu? Maraming nangyayaring nakawan sa mga bodega ng Customs, sa totoo lang. Isipin na lang na walang performance bond si sekyu na sumusweldo lang ng wala pa sa P10,000 kada buwan at ni hindi civil service eligible.
Marami-rami rin designation na ginagawa ni Biazon sa mga personnel kahit hindi sila qualified sa nasabing pwesto tulad ng pagtatalaga ng warehouseman bilang examiner upang mag eksamin ng milyon-milyong kargamento. Mayroon din mga taga-intelligence at pulis hindi naka-detail. Ito ang ikinagagalit ni Purisima.
Bueno, tila itong huling memorandum ni Biazon na 17 collectors ang kanyang ipina-transfer sa isang bagong opisina sa DOF, ito yata ay may BASBAS ni Purisima.
Ano na lang kaya ang iniisip ng mga importer at mga innocent bystander?
Arnold Atadero