KAPWA ipinagmalaki ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang anila’y “substantial progress” sa isinusulong na negosasyon para sa pagbuo ng peace agreement sa Mindanao.
Kahapon, tinapos na ng dalawang panig ang 41st round ng negosasyon sa
Kuala Lumpur, Malaysia bilang paghahanda sa Muslim holiday na Eid’Ul’Adha.
Sinabi ni government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer, target nilang mabuo na ang binabalangkas na annexes sa isyu ng power-sharing at normalization sa susunod na pag-uusap.
“The remaining challenges and the time constraints demand that the Panels remain focused on completing the annexes following a break for Eid’Ul’Adha.. Both sides have a full understanding of their responsibility as they strive toward a sustainable and inclusive solution for the benefit of all people in the Bangsamoro,” ayon sa kalatas.
Ang nasabing annexes ay bahagi ng binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement na layong ipalit sa kasalukuyang set-up ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Napag-alaman na dumalo rin sa negosasyon ang mga kinatawan mula sa bansang Turkey, Saudi Arabia at United Kingdom.
(HNT)