Monday , December 23 2024

Negosyante itinumba sa agahan

NAKAYUKYOK sa inorder na almusal ang 43-anyos negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling araw sa isang food chain sa Marikina City.

Kinilala ni Sr/Supt. Reynaldo Jagmis, hepe ng Marikina Police, ang biktimang si Rommel Palomares, nakatira sa #16 Aberdeen St., Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Mabilis na tumakas ang dalawang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka sa hindi batid na direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO1 Aladin Alingas at PO2 Rodrigo Febreo, dakong 1:15 a.m. nang pagbabarilin ang biktima ng mga suspek sa loob ng Jovy and Leni Eatery habang kumakain sa V. Santos St. kanto ng J.P. Rizal St., Brgy. Sto. Nino, ng lungsod.

Tiniyak ng mga awtoridad na hindi holdap ang motibo ng pagpatay dahil narekober ng pulisya sa katawan ng biktima ang kanyang cellphone at P6,000 cash.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *