Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kazakh national nalunod, Chinese nasagip sa Boracay

KALIBO, Aklan – Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng isang Kazakh national kasama ang kanyang kasintahan matapos malunod sa Brgy. Manoc-Manoc sa isla ng Boracay.

Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Doctor’s Clinic sa isla sanhi ng pagkalunod ang biktimang si Valeriy Lotts, 40, taga-Kazakhstan.

Bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang girlfriend na kinilala lamang sa pangalang Yekatiriva, isa rin Kazakh, na lalabas muna para lumangoy sa malalim na bahagi ng dagat.

Nakita ng mga nagpapatrol-yang lifeguard ang biktima na palutang-lutang sa dagat na may 150 metro ang layo mula sa dalampasigan.

Agad nilang iniahon ang biktima mula sa tubig ngunit wala nang buhay.

Nasagip naman mula sa pagkalunod ang isang bakasyonistang Chinese national matapos tangayin ng malalaking alon habang naliligo sa nasabi rin barangay sa isla ng Boracay.

Ang biktimang nasa ligtas nang kalagayan ay kinilalang si Jian Suei Chen, 25, taga-China at nagbabakasyon lamang sa isla.

Base sa report ni CPO Pedro Taganos ng Philippine Coast Guard (PCG-Caticlan), naligo ang biktima sa gitna ng malalaking alon kaya natangay sa malalim na bahagi ng dagat.

Nakita ng naka-standby na lifeguard at PCG volunteers ang Chinese na sumisigaw at humi-hingi ng tulong kaya’t agad nasagip at naisugod sa Don Ciriaco District Hospital. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …