Friday , January 10 2025

Customs-PEAG bulag, inutil sa car smuggling nina Kenneth at Ronnel

IPINAIMBENTARYO ni Commissioner  Ruffy  Biazon noong naka-raang Abril at Mayo sa tanggapan ng Post-Entry Audit Group (PEAG) ng Bureau of Customs (BoC),  ang mga high-end imported luxury vehicles na ipinasok ng PGA Cars sa bansa.

Ang PGA Cars ay kompanyang pag-aari ng pamilya ng bilyonaryo at dating newspaper publisher na si Roberto Coyuito, Jr., at pinagdududahang nandugas sa gobyerno ng mahigit sa P1 bilyon dahil hindi nagbayad ng karampatang buwis sa mga naipasok at naibenta nilang high-end imported luxury vehicles.

Hanggang ngayon ay walang napabalita kung isinailalim ng PEAG sa post-entry audit ang mga mamahalin at highly taxable vehicles na inilalako ng PGA Cars sa kanilang display showroom outlets.

HARI NG CAR SMUGGLING

MATAGAL nang negosyo ng isang “KENNETH NA-KAWSON” ang pagpapalusot ng high-end imported vehicles sa Customs at limpak-limpak na kuwarta na ang iniakyat sa kanya ng raket na ito kaya siya naging kilabot na “HARI” sa larangan ng car smuggling.

Ang ipinagkaiba lang niya kay Coyiuto, ang ginagamit na modus-operandi ni Kenneth Na-kawson sa car smuggling ay pawang mga bogus na kompanya bilang consignees at peke rin pati ang mga dokumento na isinusumite niya sa Customs.

Walang binatbat ang Recto Ave., sa Maynila kay Kenneth Na-kawson, na anak ng isang dating opisyal sa Bureu of Internal Revenue (BIR), dahil siya ay may sariling pabrika ng pekeng dokumento, pangunahin na ng mga palsi-pikadong Income Tax Return (ITR) na sa isang iglap lang ay ‘ready to submit’ sa Customs.

PEKENG CONSIGNEES

AT MGA KOMPANYA

PANGUNAHING responsibilidad o pananagutan ng PEAG ang pagsasagawa ng post-entry audit upang malaman kung ang pumasok na mga kargamento sa bansa ay nagbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan, matapos mailabas sa bakuran ng Customs.

Sa post-entry audit din nababatid kung ang mga kompanya at dokumento na ginamit sa paglalabas ng kargamento ay tunay o peke, ‘yan ang trabaho ng PEAG.

Ilan sa mga kompanya na nabuko natin na ginagamit  na prente ng sindikato ni Kenneth Na-kawson bilang mga consignee ay ang AMETHYST (AMYST) at SEVEN SHORES TRADING.

Ito ay matapos matuklasan sa Interim Customs Accreditation Registration Unit (ICARE) na ang isa pang pekeng kompanya na LUCKY SEA TRADING ay wala naman palang opisina sa Femi Bldg., pero matagal nang pinakinabangan, na-gamit at pinagkakitaan ng pangkat ni Kenneth Na-kawson sa smuggling ng high-end imported luxury vehicles.

Hindi lang sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) ginagamit ng nasabing grupo ang mga nabanggit na kompanya, kundi hanggang sa Port of Cebu ay namamayagpag ang kanilang smuggling activities.

KASABWAT AT MGA GALAMAY

SAKALING hindi pa kumakatok si Kenneth Na-kawson  sa pintuan ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) para magmano sa bagong hepe nito na si retired Armed Forces chief Gen. Jessie Dellosa, ang mga galamay naman ng smuggler ay umiikot sa Customs at madali silang makilala.

Isang nagngangalang RONNEL DE GUZMAN ang ka-tandem ni Kenneth Na-kawson sa kanyang sindikato, na tulad niya ay nakatago, kaya ang kanilang mga galamay ang umiikot at lumalakad sa mga palusot ng grupo.

Nagsisilbi namang DUMMY ng AMETHYST (AMYST) ang isang ADORACION ESTALLIO, habang ang mga lumulutang sa Customs na lumalakad sa mga palusot ng sindikato ay sina JOY “TABA,” LORY CAGSAWA at RUBY SALDANA.

PANDURUGAS SA BUWIS

UMAABOT lamang sa P1.3-M ang ibinaba-yad na buwis ng pangkat ni Kenneth Na-kawson kada unit ng Mercedes Benz SLS ay P1.3-M imbes na P4.8-M, kung kaya’t malaki ang nalulugi sa pamahalaan.

Habang ang Porsche Panamera naman ay P1.4-M per unit lang ang buwis na napupunta sa kaban ng bayan , kompara sa halagang P3-M na dapat ibayad sa Customs.

Sa bawat unit naman ng Porche Cayene ay P1.5-M lamang ang kanilang ibinabayad, imbes P3-M.

Ang grupo rin na ito ang nasa likod ng nagpapalusot sa Customs ng mga nakaw at kinarnap na BMW at Mercedes Benz galing Korea, pero pawang under financing o inutang lamang pala sa mga banko sa nabanggit na bansa.

SMUGGLER CUM BUGAW

KUNG mayroong dapat pag-ingatan si Gen. Dellosa, ito’y walang iba kundi ang grupo ni Kenneth Na-kawson para hindi siya matulad sa isang mataas na opisyal ng Customs na napainan ng bebot ng sindikato.

Maliban sa pagiging kilabot na smuggler, si Kenneth Na-kawson ay kwekong pa, dahil bukod sa pera, nag-aalaga rin siya ng magagandang babae na ibinubugaw at ipinakakasta sa mga opisyales ng Customs at iba pang ahensiya ng gobyerno bilang suhol.

Isang opisyal nga ng Customs ang balitang naisahan ni Kenneth Na-kawson, kaya nanga-ngatog ngayon sa takot na lumabas ang kanyang sex video sa isang batambatang babae na ipinain sa kanya ng smuggler.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *