UMAKYAT na sa 292 ang bilang ng mga nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban para sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013.
Ang mga naaresto ay 275 sibilyan, 10 security guards, apat na pulis; dalawang government employees at isang sundalo.
Nasa 230 naman ang nakompiskang baril na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Comelec at PNP.
Nakasamsam din ng 11 gun replica, 84 bladed weapons, 33 granada, 39 pampasabog at 1,747 bala.
Sinimulan ang gun ban noong Setyembre 28 at magtatapos ito sa Nobyembre 12, 2013.