UMABOT sa 13 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa loob lamang ng 10 oras matapos ang napaulat na paggalaw ng isang active local fault line sa bahagi ng Boac, Marinduque.
Ayon kay Julius Galdiano ng Phivolcs, batay sa kanilang monitoring, ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay ang magnitude 4.2 dakong 2:46 a.m. kahapon na umabot hanggang sa Alabang, Muntinlupa sa intensity 1.
Una rito, bandang 6:33 p.m. nitong Sabado nang yanigin ng magnitude 4.5 na lindol ang Marinduque dahil sa paggalaw ng fault line na nasa 29 kilometers hilagang kanluran ng Boac o nasa karagatan sa pagitan ng Marinduque at Batangas.
Naramdaman ang intensity 3 sa Boac at Batangas City habang intensity 1 naman sa Tagaytay City. Huling naitala ang magnitude 3 na aftershock dakong 4:41 a.m. at magnitude 2.8 bandang 7:20 a.m. kahapon.
(BETH JULIAN)