Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni at Charlene, hanggang Linggo na lang mapapanood (Sa pagre-reformat ng The Buzz)

HANGGANG Linggo, (Okubre 13) na lang sa The Buzz sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales-Muhlach dahil magre-reformat na ito sa susunod na Linggo, Oktubre 20.

Say ng TV executive ng ABS-CBN, kailangang magbago na ng format ang The Buzz dahil matagal na rin naman ito.

‘Yun nga lang, hindi raw papalitan ang titulong The Buzz dahil hindi raw pumayag si Kuya Boy Abunda dahil mahirap mag-build up uli ng pangalan at baka hindi kagatin ng tao dahil sa social media na tumatalo sa talk shows.

Sina Janice de Belen at Carmina Villaroel ang kapalit nina Toni at Charlene at retain si Kuya Boy at magiging interactive na ang format ng The Buzz, “sa umpisa news pa rin, tulad ng dati sa bandang huli, may mga artistang live guest,” sabi sa amin.

Bakit kailangan pang i-reformat, eh, wala naman din palang nabago sa The Buzz?

“Eh, paano i-introduce sina Janice at Carmina kung hindi magre-reformat?” balik-tanong sa amin.

Tinanong naming kung ano ang next show ni Charlene na per show ang kontrata sa ABS-CBN pero walang alam ang aming kausap kaya tinext namin ang mommy ng misis ni Aga Muhlach na si Mommy Elvie Gonzales kung ano ang ibibigay na programa sa anak, pero hindi kami sinagot.

Si Toni ay walang dapat ipag-alala dahil may sitcom siya with John Lloyd Cruz at may Pinoy Big Brother siya sa 2014 bukod pa sa may guaranteed contract siya sa ABS-CBN.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …