Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PHILRACOM nahaharap sa problema

NAHAHARAP ngayon sa malaking suliranin ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa patuloy  na pagsuway ng ilang handicapper ng ilang racing club sa mistulang pambababoy sa karera dahil at umiiral one-sided na karera.

Handi-putting ang pananaw ng Kontra-Tiempo sa umano’y patukan na karera na dito ay tila ba nabibiyayaan ang ilang horse owners sa isang tiyak na panalo.

Ang nakabubuwisit pa ay ang maliit na dibidendo  sa resulta ng karera ang naibibigay sa mga mananaya.

Bukod sa nawawala ang pananabik ng publiko sa mga naglalaban-laban na kabayo ay nawawalan pa ng gana ang  manaya dahil maliit ang ibinibigay na dibidendo.

Sino ba ang tunay na nabibiyayaan sa patukan na karera? Siyempre walang iba kundi ang horse owner bukod sa premyo ay may kaakibat na tiyak na panalo sa kanyang kabayo sa gagawing pagtaya nito.

Ang resulta ay ang pagbagsak ng benta na ang naaapektuhan ang mababang buwis na nakukuha ng gobyerno.

Ang katuwiran nila ay para daw patayin ang bookies.  Diyos ko kabayong buntis hindi naman ang bookies ang tinitira ninyo sa handi-putting na ito dahil ang mga iyan ay may pamamaraan kung paano labanan ang kanilang pagkalugi sa karera dahil  marami silang nilalabanan na puwedeng kumubra ng malaki.

Nariyan ang Winner Take All, Pick 5,Pick 6 at Pick 4, ang mga ito ay paboritong tayaan ng mga karerista.

Hindi sa ganitong pagkakataon na ang napeperwisyo  ay ang benta ng karera na nadedehado ang  integredad ng karera kasama na dito ang  paglalaho ng interes ng karerista na maglaro.

oOo

Balita ko hinohold ng dalawang karerahan ang 3 percent na premyo ng mga horse trainers?    Sa susunod na isyu ay matutunghayan n’yo dito sa Kontra-Tiempo ang usapin hinggil sa isyung nabanggit.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …