MANHID ang Palasyo sa pag-alma ng mga kasapi ng Social Security System (SSS) kaugnay sa pagtanggap ng milyon-milyong pisong bonus ng matataas na opisyal nito dahil sa paniniwalang nagmula ito sa kinita ng mga pinasok na negosyo at hindi sa kontribusyon ng mga miyembro ng state-run trust fund.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iginagalang naman ng Malacañang ang nakatakdang imbestigasyon ng Senado sa nasabing usapin.
“We respect the prerogative of the Senate to look into it but we are also confident that the — the declaration of bonuses to SSS directors are defensible and based on very strict guidelines as imposed by the GCG,” sabi niya.
“Income, hindi sa contribution. Kumita po ang SSS. So the gene[rating] … I think the SSS generated a revenue of around P200 plus million. So, iilan lang po silang mga director. Ang contribution po, that income will be used for operations, will be used for what-ever is necessary to keep SSS going,” dagdag pa niya.
Hindi naman niya maipaliwanag kung saan nagmula ang kinitang ito ng SSS.
(ROSE NOVENARIO)