Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, ayaw pakawalan ng TV5 (2 shows ipapalit sa nawalang Wowowillie)

AYAW daw pakawalan ng TV5 si Mariel Rodriguez, say ng isang executive dahil pagkatapos daw ng Wowowillie ay may dalawang programang inaalok sa TV host.

Ito ay ang mga programang Showbiz Police at Face The People, kaya binalikan naming ng tanong ang kausap na executive kung ano ang magiging papel ng asawa ni Robin Padilla sa nasabing mga programa, eh, kompleto na ang hosts.

Pero hindi na kami sinagot ng aming kausap na executive at tinext namin si Mariel tungkol dito, “yeah, narinig ko nga, I still don’t know kung tuloy, wala rin akong alam kung ano ang role ko. As of now, wala akong details, wait ko lang sasabihin nila,” sagot sa amin ng TV host.

In fairness kay Mariel, puwede siyang talk show host dahil noong nag- guest co-host siya sa Paparazzi bilang kapalit ni Ruffa Gutierrez ay maganda ang feedback dahil marunong magsalita ang misis ni Binoe bukod pa sa mga reaksiyon nitong nakatatawa tungkol sa isyu.

At higit sa lahat, inaaral daw niya ang script at maaga siyang dumarating sa set at hindi pasaway.

Parang hindi naman magiging maganda kung isasama si Mariel sa Showbiz Police Officers na sina Divine Lee, Dani Castano, at MJ Marfori dahil mas mataas na ang level niya sa mga ito para sa amin. (Oo naman, hindi siya tamang ilagay doon—ED). So, posibleng isama siya sa main hosts kasama sina ‘Nay Cristy Fermin, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Direk Joey Reyes, at Raymond Gutierrez?

At kung isasama naman siya sa Face The People, ano ang magiging papel niya, eh, nandoon na sina Tintin Bersola at Gelli de Belen? Magiging isa siya sa tagapayo?

Anyway, abangan na lang ang susunod na mangyayari.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …