Friday , November 22 2024

Kill plot vs Hahn buking (Sigalot sa Makati condo mas lumalim)

TALIWAS sa report na tapos na ang awayan sa kung sino ang nagmamay-ari ng Infinity Tower sa Makati, lalong lumalim ang gulo sa naturang condominium matapos ibulgar ng apat na sekyu ang maitim na plano para iligpit si Korean national Sheokwhan.

Plano umanong isako si Hahn upang hindi na makapaghabol sa buong pag-aari ng sikat na Makati City condominium building.

Ito ay base na rin sa salaysay ng dating pinuno ng mga security guards ng Greenshield Security Agency, ang ahensiya na kinontrata ni Joaquin “Jack” Rodriguez, Jr., sa kasagsagan ng kanyang paglusob sa establisyemento kamakailan.

Ibinunyag ng head guards na sina Randy Viloria, Joemar Balabadan, John Joe Bunuan at Michael Bacunot sa isang  affidavit na kanilang inihain sa Quezon City Hall of Justice na nagpakawala ng pondo si Rodriguez, Jr., kay Joseph Biscocho, Greenshield operations manager, upang itumba si Hahn, pinuno ng Archinet na isa sa mga stakeholders ng Infinity Tower. Nabatid na dalawang beses nang ikinasa ang planong pagpatay sa Korean national.

“Madali naman matapos ang problemang ito. Kung magkasundo lang kami ng presyo ni Jack (tinutukoy si Joaquin Rodriguez, Jr.), kasi P300,000 ang presyo ko para patayin si Hahn (tinutukoy si Seokwhan Hahn) pero ang ibinigay lang sa akin ay P150,000 kaya pinabalik ko ang pera,” pagsasalaysay umano ni Biscocho sa ilang pagkakataon kina  Viloria, Balabadan, Bunuan at Bacunot.

Pahayag ng mga sekyu, si Biscocho ang planong kontratahin ni Rodriguez bilang killer ni Hahn.

Sa isang okasyon noong Abril 2013, nagawa pa umanong ipasa ni Biscocho sa apat na guwardiya ang trabaho na pagliligpit kay Hahn kung payag sila sa kabayaran na P150,000, bagay na kanila umanong tinanggihan.

Sinabi rin ng apat na guwardiya na sa ilang pagkakataon na nagpakita si Rodriguez sa Infinity Tower ay inutusan niya ang mga sekyu na i-shoot-to-kill ang kahit sinong magtatangka na pumasok sa gusali lalong-lalo na si Hahn.

Samantala, namataan din si Rodriguez na nakikipag-usap sa isang  South Korean national na may bansag na ‘Bruce Lee’ na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad.

Ang Koreano ay sinasabing  ‘No. 2 man sa Korean Mafia na nag-o-operate sa Filipinas at kamakailan lamang ay dinakip ng mga pulis dahil na rin sa mga kasong ilegal.

Ang suspek na ang tunay na pangalan ay Lee Beong Koo, ay bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos ang isang buwan na pagmamanman ng mga operatiba ng Manila Police District sa pangunguna ni Chief Insp. Daniel Buyao, Hepe ng District Police Intelligence Operations  Unit (DPIOU).

Si ay Lee ay nahuli sa loob ng isang Korean restaurant sa kanto ng Pedro Gil and J. Bocobo St. sa Malate, Manila.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *