Thursday , January 9 2025

Grand Kapamilya Weekend, nagbigay-pugay sa mga patok na Kapamilya shows

MATAGUMPAY ang isinagawang pagbabalik-tanaw ng ABS-CBN sa mga pinakahindi-malilimutang programa nito gayundin ng serbisyo publiko, mga kuwelang pakulo, at oportunidad na makasalamuha ang pinakamalalaking Kapamilya stars sa daan-daan libong taong dumagsa at nakisaya sa makasaysayang Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend noong Sabado at Linggo (Oct 5 at 6) upang bigyang pugay ang 60 taon ng Philippine television.

Kahit sobra ang init ng araw, hindi ito ininda ng libo-libong madlang people na nanood ng live telecast ng It’s Showtime sa Quezon Memorial Circle (QMC). Binigyang pugay ng noontime show ang ilan sa classic Kapamilya programs gaya ng Chika Chika Chiks, Home Along Da Riles, Palibhasa Lalake, at May Bukas Pa na ang cast members ay nakibahagi sa isang espesyal na edisyon ng Sine Mo ‘To.

Nagtipon-tipon din sa iisang stage ang mga bida ng Kapamilya fantaserye gaya nina Vhong Navarro bilang Lastikman, Angel Locsin bilang Lyka sa Lobo, Anne Curtis bilang Dyosa, at Jericho Rosales bilang Panday, habang nagsama sa isang performance ang cast members ng Goin’ Bulilit at Ang TV.

Isang higanteng party din ang naganap sa ASAP 18 sa Marikina Sports Complex na mahigit sa 100 Kapamilya Stars ang nagsanib-puwersa para sa makasaysayang pagdiriwang gaya nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Coco Martin.

Binigyang pugay ng ASAP 18 ang Kapamilya shows na talaga namang tumatak na sa puso ng mga Pinoy sa nakalipas na 60 taon, mula sa mga teleserye, sitcoms, reality, talk, at variety shows. Ilan sa highlights ng programa ay ang grand reunion ng cast ng Palibhasa Lalake, Tabing Ilog, at ang ASAP boy group na Kanto Boys.

Noong Sabado ng gabi sa QMC, naghandog din ng libreng concert ang M.O.R. 101.9 For Life na pinamagatang MOR Live: Kwento ng Musikang Pilipino tampok ang 20 OPM artists, kabilang sina Daniel Padilla at Enrique Gil, at ang espesyal na sing-dance-acting performance ang lahat ng M.O.R. DJs.

Para naman sa huling bira ng Grand Kapamilya Weekend noong Linggo ng gabi, isang gabi ng tawanan at kantahan ang inihatid ng mga komedyanteng sina Pokwang, KitKat, K Brosas, Chokoleit, John Lapus, Jason Gainza, at Be Careful With My Heart stars na sina Doris at Sabel sa Kapamilya KTV.

Binigyang pagkakataon dito ang ilang Kapamilya sa audience na makikanta sa videoke at maglaro sa iba’t ibang games para manalo ng papremyo. Isang enggrandeng fireworks display naman ang nagmarka sa pagtatapos ng selebrasyon.

Pormal na binuksan ang star-studded na Grand Kapamilya Weekend nina ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III, ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio at iba pang network executives, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, TV Patrol anchors Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon, at MTRCB chairman Atty. Toto Villareal sa isang opening ceremony na pinangunahan nina Kris Aquino at Boy Abunda bilang hosts. Inawit din ni Zsa Zsa Padilla sa nasabing ceremony ang theme song ng 60th anniversary ng ABS-CBN.

Nagbigay-saya rin ang Kapamilya Village ng Grand Kapamilya Weekend sa QMC na nagtayo ng booths ang ilang Kapamilya programs na may handog na pakulo para sa bawat miyembro ng pamilya.

Nagkaroon dito ng face painting at cosplay para sa mga chikiting, at sari-saring carnival games at fortune telling para sa iba.

Minarkahan ng nasabing event hindi lang ng sari-saring pakulo at kasiyahan ngunit pati na rin ng serbisyo publiko sa mga higit na nangangailangan. Nagkaroon ng medical mission ang Salamat Dok at DZMM, Soup Kitchen at feeding activities ng Star Magic, at booths ng ABS-CBN news at current affairs programs na naghandog ng libreng gupit, legal counseling, libreng cellphone charging, free massage, pa-bingo, at kung anu-ano pa.

Dinayo rin ng fans ang maaksyong Kapamilya All-Stars Basketball Game sa Araneta Coliseum at ang Kapamilya All-Stars Volleyball Game sa Marikina Sports Complex.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …

Vic Sotto

Vic Sotto ‘di apektado pagkalat ng viral video

I-FLEXni Jun Nardo MASAYANG episode ang handog ng Eat Bulaga sa unang Sabado ng noontime show. Maraming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *