ANG engagement rings ba na may tatlong bato ay bad feng shui? Sa kasaysayan ng engagement rings, ito ay mayroong iba’t ibang bato at disenyo; ang ilan sa kanila ay may malalim na kahulugan at mayroong sariling sopistikadong inihahayag.
Sa feng shui, ang traditional ring na may isang diamond ang pinakamainam, dahil ito ay nagpapahayag ng katagang “the one and only,” gayundin dahil ang feng shui energy ng bigger stone ay mas malakas kaysa sa isang grupo ng maliliit na bato.
Ang isang malaking diamond at may maliliit na diamonds sa paligid ay good feng shui din, higit na mainam kaysa singsing na may tatlong diamonds. Ang tatlo ay hindi best numbers para sa bato sa engagement ring design, katulad ng prominenteng number three na dapat iwasan sa bedroom décor ng magkapareha.
Bagama’t maraming nagkokonsidera na fashion ang pagbibigay ng diamond engagement rings, ang totoo, ang diamond ang “king of stones” at isa sa pinakamatibay na gemstones sa kalikasan.
Ang diamond ay mayroong malakas na protective and healing properties, kaya ito ay simbolo ng pagpapahayag ng pag-ibig sa habambuhay. Ang enerhiya nito ay ikinokonsiderang nagpapanatili ng aspeto ng pagtitiwala at pagiging tapat sa relasyon.
Hindi rin bad feng shui ang wedding bands na may dalawang rings na magkadikit.
Lady Choi