IT’S down to the last two seconds of Game Seven. Petron is up by a point. Marqus Blakely is fouled by Elijah Millsaph while on his way to the basket. Two free throws are given to Blakely. Me and Marc Pingris stand for the rebound. Marqus makes the first but misses the second. I grab the rebound and complete a follow-up at the buzzer. SanMig Coffee wins the championship!
Iyan ang kuwento ni Joe Calvin de Vance ng SanMig Coffee sa pre-finals press conference ng PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series noong Miyerkoles.
Ito’y tugon ni DeVance sa tanong na gaano kahaba ang serye. Sinabi niya na aabot sa game seven ang serye at ang Mixers ang magwawagi.
Hanep sa drama!
Ang follow-up question ay: O, ano naman ang ginawa mo paggising mo?
Tawanan ang lahat!
Pero sa totoo lang, ganoon ang pananaw ng karamihan sa serye, maging si PBA Commissioner Chito Salud.
Walang makaka-sweep at aabot sa Game Seven.
Ito’y taliwas sa nangyari sa Philippine Cup kung saan winalis ng Talk N Text ang Rain Or Shine at sa Commissioners Cup kung saan winalis naman ng Alaska Milk ang Barangay Ginebra San Miguel.
Lahat ng manlalaro ng SanMig Coffee ay dumalo sa presscon at nagsabing aabot sa Game Seven ang serye.
Pero sa kabilang dulo ng mesa, nang si Alex Cabagnot ang unang tinanong, sinabi nitong nais niyang walisin ang SanMig Coffee.
“As a player, thats what I want to achieve,” aniya. “It may be impossible but thats my dream.”
Na sinang-ayunan naman ni Marcio Lassiter. At ganoon na rin ang itinugon nina Arwind Santos at Elijah Millsap. Tanging si JuneMar Fajardo ang nag-play safe.
Kayo?
Ano sa palagay ninyo ang mangyayari?
Sabrina Pascua