Labing-anim na porsyento ng mga barangay sa Filipinas o katumbas na 6,904 lugar ang itinuturing na “areas of concern” ng Commission on Elections (Comelec) ngayong barangay elections.
Sa command conference ng COMELEC, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) Huwebes ng tanghali, 7,060 pang barangays ang inilagay sa election watchlist areas.
Karamihan dito ay nasa Masbate, Compostela Valley, ARMM, Region 5 at Region 12.
Umano naman sa 156 ang “areas of immediate concern.”
Pinakaproblema aniya sa areas of concern ang matinding away-politikal at presensya ng mga rebeldeng grupo tulad ng New People’s Army at Abu Sayyaf. Bukod pa rito, mayroon din 25 private armed groups ang kanilang tinututukan ngayon. Mas mababa naman ito kompara sa 55 grupo noong May elections.
Walang nababanggit na lugar sa Metro Manila na posibleng mailagay sa areas of concern.
(L.BASILIO)