Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot utas sa boga ng assassin

PATAY ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril kahapon ng mada-ling-araw sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang unang biktima na si Geronimo Quinto, 34-anyos, tindero, nakatira sa #4169 Younger St., Balut, Tondo, Maynila.

Ang itinuturo namang suspek ay si Joseph Solano alyas Otep, nakatira sa Banahaw St., Balut, Tondo, kasama ang da-lawang hindi nakilalang lalaki.

Ayon sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, dakong 1 a.m. kahapon, inihahanda ng mag-asawa ang kanilang panindang pagkain nang umalis sandali ang misis ng biktima upang tingnan sa bahay ang niluluto.

Makalipas ang ilang minuto, ay nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang ginang at nang tingnan ay natagpuan ang mister na nakahandusay sa kalsada.

Samantala, isang bala ang tumapos sa buhay ng isang 21-anyos lalaking kinilalang si Christian John Resurrection sa kanilang bahay sa #2561 Vitas St., Tondo, Maynila dakong 1:45 a.m. kahapon.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong, kauuwi lamang ng biktima at naghahanda ng kanyang pagkain nang may kumatok sa pintuan.

Nang magbukas ng pinto ang biktima ay bigla siyang pinaputukan ng isang lalaki kasama ang isa pang lulan ng motorsiklo.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa dalawang pamamaril at kung sino ang nasa likod ng mga krimen.

(DAPHNEY ROSE TICBAEN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …