IPINAGPALIBAN ng Commission on Elections (Comelec) ang barangay elections sa Zamboanga City kasunod ng konsultasyon sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan.
Ayon sa Comelec, bukod sa nangyaring kaguluhan, nakadagdag pa sa problema ang mga pagbahang nararanasan.
Hindi pa rin tapos ang clearing operations ng PNP at AFP sa mga lugar na pinagtaguan ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Katunayan, hindi pa natatagpuan ang isa sa mga commander ng MNLF-Misuari faction na si Habier Malik.
Una rito, nabatid din sa pagbisita ni Commissioner Christian Lim na may mga nasunog na paaralan at voting centers sa Mariki, Rio Hondo, Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-Talon, Arena Blanco, Kasangyaan, Mampang at Tugbungan. (HNT)