Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wally, waley na ring pinagkakakitaan (Dahil sa kumalat na sex video scandal)

KUNG gaano kalaki ang studio ng Startalk ay ganoon din kalawak ang iniikutan ng mga host at staff nito lalo’t commercial break. Sa pagkakataong ‘yon mistulang nakapalibot lang kami sa harap ng isang tindahan, kaswal na naghuhuntahang parang mga tambay na nagpapalipas ng oras,

Nitong Sabado, hindi pangkaraniwan ang maagang pagdating ni Joey de Leon sa studio mula sa pinanggalingang Eat Bulaga kung kailan grand finals pa mandin ng segment nitong Ikaw at Echo.

Dressed in long-sleeved polo short na alanganing fuchsia pink, hindi na tinapos ni Tito Joey ang pag-aanunsiyo sa nanalong kaboses ng sikat na mang-aawit. Nakorner tuloy siya ng mga kasamahang host sa Startalk tungkol sa kaso ni Wally Bayola.

As we all know, mula nang pumutok ang sex video scandal nito na katalik ng komedyante si Yosh ay no-show na ito sa Eat Bulaga, kaya ang ibinatong tanong nina Lolit Solis, Butch Francisco, at Ricky Lo, “Kailan ba babalik si Wally sa ‘Eat Bulaga’?”

Simple lang ang sagot ni Tito Joey. Kung ang parehong tanong din daw ay ibinato kay Wally, sa tingin ba niya ay masasagot ‘yon nang diretso ng komedyante?

Natural, kating-kati na raw si Wally na muling makabalik, pero aniya, there are factors to be considered. Of course, nariyan ang panig ng Tape, Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga.

Curious naming tanong: ano ang income source ni Wally to think na may sakit pa ang kanyang anak?

Kanselado na kasing lahat ang mga naka-book nilang pagtatanghal ng kanyang sparring partner na si Jose Manalo. Kumbaga, pera na, naging bato pa. So how does he manage to survive?

Lolit was quick to say, “For sure, hindi naman siya pinababayaan ni Mr. T. (Tony Tuviera, producer of Tape, Inc.).”

Nakapanghihinayang. All because of that sex video, the Wally that we knew before is WALEY now.

The Bottomline ni Kuya Boy, nabago ang format dahil sa pork barrel scam

BOY ABUNDA’S The Bottomline is an erudite yet engaging program that comes after the mindless Banana Split Extra Scoop every Saturday night, or early Sunday morning?

Anuman ang time slot ng palabas ni Kuya Boy, we make sure na pinaglalalaanan namin ito ng panahon most specially these past weeks when its host has been doing a series of pork barrel interviews: mula sa una nitong panauhin na si Senate President Franklin Drilon at ang latest nitong episode na aming tinutukan with guest COA Chief Grace Pullido-Tan.

Dahil kasagsagan ng pork barrel scam, The Bottomline has temporarily foregone its format na mayroon munang diskusyon si Kuya Boy among the so-called bottomliners—either mainstays or panellists na may kaugnayan sa paksang tinatalakay—that segues to the interview proper of his guest (interspersed with reaction shots of the bottomliners hauled inside the war room), and finally ends up in a free-for-all, then Kuya Boy’s summation.

Sa mga nakalipas na Sabado, it has been Kuya Boy and his guest in a tell-all interview. Bahala na ang mga manonood to pass their judgment. But the objective of the show is to flesh out what lies underneath the pork barrel scam sa pamamagitan ng iba’t ibang mukha who represent opposite sides.

Kung tutuusin, marami pang personalidad ang puwedeng maimbitahan ng The Bottomline for the entire nation to better understand why we, as beneficiaries of government services, have been shortchanged, if not robbed what’s due us.

Iisa lang naman ang nais malaman ng taumbayan bukod sa panawagang ibasura na ang punyetang pork barrel na ‘yan, just who are those equally punyetang mambabatas na ‘yan na siyang nagkanulo sa taumbayan nang huwag nang iboto sa 2016 elections, mayroon pa ba?

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …