KASADO na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa naka-takdang pagbisita sa bansa ngayong linggo ni United States Secretary of State John Kerry.
Maalala na si Kerry ang itinalaga ni US Pres. Barack Obama bilang kanyang kinatawan matapos makansela ang kanyang biyahe sa Southeast Asia dahil sa problema sa kanilang federal budget.
Ayon kay Foreign Affairs Asec. Raul Hernandez, pinaplansta na nila ang schedule ni Kerry sa pagbisita sa bansa ngunit inaasahan dara-ting siya ng Filipinas sa Oktubre 11.
Batay aniya sa abiso ng US Department of State, nakatakda rin magkaroon ng bilateral meetings si Sec. Kerry habang nasa Filipinas.
“The Secretary will visit the Philippines October 11-12 for bilateral meetings with our ally to reaffirm the strong economic, people-to-people, and security links bet-ween our two countries,” ayon sa naunang kalatas ng US State Department.
Kabilang sa mainit na pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa ay ang kasunduan para sa pagpapalawak pa ng “rotational presence” ng US troops sa bansa.
Ang Philippine visit ang last stop ni Kerry matapos ang bilateral security consultations sa Japan at four-nation swing sa Southeast Asia, kabilang ang Brunei, Indonesia at Malaysia. (HNT)