Monday , December 23 2024

Si Biazon pa ba ang boss ng Customs?

MARAMI ang nagtatanong sa port area kung si Komisyoner Ruffy Biazon pa rin daw ba ang boss ng Bureau of Customs (BoC)?

Ito ang usap-usapan ng lahat ng player at tauhan ng BoC dahil malinaw sa kanilang obserbasyon na ang lahat ng bagong talagang deputy commissioners ng Malakanyang ay pawang tauhan o kapanalig daw ni Finance Sec. Cesar Purisima.

Malinaw rin daw sa BoC na wala nang pakpak si Biazon dahil ang apat daw na bagong DepComm na kinabibilangan nina Jessie Dellosa, Agaton Teodoro Uvero, Myrna Chua at Maria Editha Tan ay pawang mga pasok o manok daw nina dating customs boss Angelito Alvarez at negosyanteng amo na si Bert Lina.

Umuugong din kasi ang bali-balita sa Aduana na sina Purisima, Lina at Alvarez daw ang may kontrol ngayon sa Aduana dahil bukod sa apat na bagong depcom ay kanila umanong mga bataan ay mayroon din mga naka-porma na rin umanong tao ang boss ng Finance department sa lahat ng departamento ng BoC.

Sa maikling salita, marami ang nagsasabing mukhang napaikot ang Palasyo sa pangyayari dahil ang gumawa ng mga kwestionableng transakyon noong araw sa Aduana ay nakabalik na uli sa pwesto at masakit nito ay may permiso pa ang Malakanyang

Maging ang press releases daw na inilalabas ng BoC ay kailangan pang dumaan ngayon sa opisina ni Purisima at iyan ang pinagtataka nang lahat.

Hindi tuloy maiwasan ang paglutang muli ng balita na talagang bagyo kay PNoy ang mga miyembro ng Hyatt 10 na kinabibilangan nina Purisima, Budget Sec. Butch Abad na kasali sa DAP at PDAP at Dinky Soliman ng DSWD dahil sobra raw ang lakas nila sa anak ni Tita Cory.

Ganyan kabigat ngayon ang sitwasyon ni Biazon sa Aduana dahil puro tao na ng mga dating naghahari ang kanyang pinamamahalaan gayong bilang pinuno ng naturang ahensya ay marapat lamang niyang kontrolado ang nangyayari sa kanyang nasasakupan.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *