INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III kay Hong Kong Chief Executive C.Y. Leung ang kanyang pakikiramay kaugnay sa 2010 Manila hostage crisis ngunit nanindigang hindi hihingi ng apology ang Filipinas sa naging aksyon ng isang indibidwal.
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Nusa Dua Beach Hotel sa Bali, Indonesia, sinabi ni Aquino na hiniling ni Leung na sila ay mag-usap na tu-magal ng 30 minuto. Si Aquino ay kasalukuyang nasa Indonesia para sa Asia Pacific Economic Cooperation summit.
Aniya, sinabi ni Leung na sa kanilang kultura, sila ay humihingi ng paumanhin kaugnay sa hindi magandang nangyari bagama’t hindi ang gob-yerno ang direktang res-ponsable rito.
Ngunit binigyang-diin din ng Pangulo sa Hong Kong official na sa kultura ng mga Filipino, humihingi lamang ng paumanhin “when we admit that we are at fault as a country, as a government, and as a people.”
“So sabi ko, that’s your culture. You practice those, that’s your system. But in our system iyong… we cannot admit wrongdoing if it’s not ours … From our perspective, there is one lone gunman responsible for this tragedy,” pahayag ng Pangulo.
Inihayag naman aniya ni Leung na kinikilala niya ang nasabing kultura ng mga Filipino.
Noong 2010, walong Hong Kong tourists ang namatay nang pagbabarilin ng sinibak na pulis habang lulan ng tourist bus.
(ROSE NOVENARIO)