Sunday , November 24 2024

P2,300 tinapyas sa Teachers’ CoLA ‘di nabawi ng PPSTA

BIGONG mabawi ng mga guro sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasay ang tinapyas na P2,300 mula sa kanilang Cost of Living Allowance (CoLA) na dati na nilang tinatamasa sa panahon pa ng mga nakaraang administrasyon, bago ang pamamahala ni Mayor Antonino Calixto.

Kamakalawa, nilusob ng galit na mga guro ang tanggapan ni Mayor Calixto para komprontahin sa ginawang pagtatapyas sa kanilang buwanang allowance na dating P3,500 ay naging P1,200 na lamang.

Sa naturang paghaharap, hindi sumipot ang kinatawan ng Commission on Audit (CoA) na itinuturo ng lokal na pamahalaan na may pakana sa pagtatapyas, samantala, ang nasabing karagdagang halaga ay mula sa pondo ng Special Education Fund na galing sa porsiyento ng real estate taxes mula sa mga mamamayan ng lungsod.

Sa halip, naghugas ng kamay ang alkalde sa mga pinuno at miyembro ng Pasay Public School Teachers Association (PPSTA) at sinabing magpadala ng sulat sa CoA at siya mismo ang magdadala upang matuldukan ang usapin.

Matatandaang, naunagkilos-protesta ang mga guro sa harapan ng city hall noong nakaraang linggo upang hingan ng paliwanag ang alkalde kung bakit pinahintulutan ang pagtatapyas sa kanilang  dating tinatanggap na CoLA.

Mula sa dating natatanggap na P3,500, naging P1,200 noong Agosto at hindi pa nasusundan para sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Salvador Albortra, pangulo ng PPSTA, wala sa general fund kundi nasa ilalim ng Special Education Funds na nagmula sa isang porsiyento ng real property tax ang para sa CoLA kaya’t walang dahilan upang ito ay tapyasan.

Ikinakatuwiran naman ng lokal na pamahalaan na ang hindi pagbibigay ng pahintulot ng CoA ang dahilan kaya’t ipinasiya nilang tapyasan ang allowance para sa mga guro.

May umiiral umanong panuntunan ang CoA sa tamang halaga na ibabahagi bilang CoLA at sinusunod ito ng alkalde.

Sa panig ng PPSTA, may desisyon na ang Korte Suprema sa naturang usapin kaugnay sa kasong Judge Thomas Leynes vs CoA na kinatigan ang petitioner at idineklarang null and void ang desisyon ng CoA.

Bukod sa mga guro, ilang mga pulis at jail guard na dating nabibiyayaan ng allowance ang nagreklamo rin dahil sa atrasado nilang allowance na dating natatanggap mula sa lokal na pamahalaan.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *