Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-live in partner sinilaban ng dating mister

ILOILO CITY – Kapwa dumanas ng first degree burn ang mag-live-in partner matapos sunugin ng dating kinakasama ng babae ang kanilang bahay sa  Brgy. Botongon, Estancia, Iloilo.

Sina Salvacion Billones, 45, at Benito Demayo ay dumanas ng mga paso sa kanilang katawan.

Ayon kay PO1 Jobert Su-mabo ng Estancia PNP, mada-ling araw nang mangyari ang insidente habang kasalukuyang natutulog sa kanilang bahay ang mag-live-in.

Nasilip ng suspek na si Jimmy Vencer, 60, sa bintana ng bahay ang dalawa habang na-tutulog at dahil sa bugso ng damdamin dala ng matinding selos, sinabuyan niya ng gasolina ang bahay at sinilaban.

Maswerteng nakalabas ng bahay ang mag-live-in bago tuluyang nilamon ng apoy.

Sa pag-usisa ng mga pulis, unang nabiyuda ang babae na nagtatrabaho bilang manikurista at naging asawa ang suspek ngunit naghiwalay sila dahil sinasabing impotent si Vencer.

Agad naaresto ng mga pulis ang suspek ngunit pinalaya rin dahil wala nang balak magsampa ng kaso ang mag-live-in partner.                              (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …