Friday , January 10 2025

Lumang tugtugin sa 2016

PARANG nakikinita ko na sa darating na halalan sa 2016 ang magiging dalang isyu ng mga kakandidatong pul-politiko ay may kaugnayan sa korupsyon. Tiyak na mauungkat ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund na mas kilala sa mabahong taguri nito na pork barrel at ang holdap, este Dap o Disbursement Acceleration Program ng kasalukuyang administrasyon.

Puputaktihin ng panunuligsa ang mga nakinabang sa ipinamudmod na salapi ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang at mga ‘oposisyonista’ daw na nagkamal rin ng salapi sa malabong paraan. Pero pupusta ako na ang mga manunuligsa, karamihan rin sa kanila, ay pareho ang sala sa pinupuna. Korupsyon ang isyu, kasi ‘yun lang ang alam na dalhin ng mga pul-politikong ito.

* * *

Ganito ang aking palagay kasi ang baul na pinagkukunan natin ng mga pul-politiko, katulad ng ating paurong na ekonomiya na ipinagyayabang ni B.S. Aquino, ay dominado ng iilang maimpluwensyang political dynasty lamang. Sila-sila lamang ang naghahalinhinan sa kapangyarihan. Totoong-totoo ang ganitong kalalagayan lalo na sa mga lalawigan. Parang maliliit na kaharian na pinaghaharian ng mga pamilya politikal.

Ang politika sa atin ay hindi nakabatay sa isyu at husay ng kandidato kundi sa taglay na tatak o brand, na kadalasan ay kilalang apelyido o magandang mukha ng isang kandidato. Mas mahalaga ang apelyido o political pedigree kaysa kakayahan kaya sa ngayon ay malabong umunlad tayo dahil ang mga brand na nagkalat ay puro patakbuhin.

Sa totoo lang karamihan sa inyo na aking taga-subaybay ay mas mahusay pa sa mga pul-politikong ito kaya nga lang walang pera na maipamumudmod para maiboto ng mga botante. Iyan ang totoo. Kaya kapag nakakakita ako ng mga pul-politkong kung maglakad ay parang pabo ay kumukulo ang dugo ko sa suya.

Sabi ng APO Hiking Society sa kanilang magiliw na awiting Lumang Tugtugin, masarap raw itong pakinggan pero ang maririnig kong lumang awitin sa 2016 tiyak ko ay makabasag ear drum lamang.

* * *

Dapat bantayan ng taong bayan ang bawat kilos ni B.S. Aquino III at huwag lamang umasa sa kanyang “daang matuwid.” Malinaw na ngayon na kung ang pagbabatayan ay ang mga huling pangyayari ay hindi tuwid ang landas na kanyang tinatahak. Ang isang palatandaan nito ay ang kanyang mahigpit na pagtutol na tuluyang alisin ang sistemang “pork barrel.”

Malinaw na ang silbi ng pork barrel na ipinamumudmod ni B.S. Aquino ay mantikaan ang kongreso upang mapasunod sa kanyang kagustuhan. ‘Yun lamang ang silbi nito wala nang iba pa. Ano ngayon ang tawag ninyo roon? ‘Ika nga ni William Shakespeare sa kanyang Romeo and Juliet: “A rose by any other name would smell as sweet.”

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *