Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gas station sinalpok ng truck (2 patay, 2 pa grabe)

100913 road accident

HALOS magkadurog-durog ang dump truck (UMB-943) nang banggain ang gasolinahan na agaran ikinamatay ng driver na si Ramon Gabayan, 57, at ng gasoline boy na si Jonathan Maquel habang kinakargahan ng gasolina ang isang close van (RHP-181) sa McArthur Highway, Karuhatan, Valenzuela City. (RIC ROLDAN)   

DALAWA  ang patay habang  dalawa pa  ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang isang dump truck sa isang gasolinahan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang driver ng dump truck (UMB-943) na kinilalang si Ramon Gabayan, nasa hustong gulang ng Plaridel, Bulacan sanhi ng pagka-ipit at pagkasunog ng buo niyang katawan habang natumbahan at nadaganan ng dispenser ng gasolinahan ang gasoline boy na si Jonathan Maquel na agad niyang ikinamatay.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital (VGH) sina Raymond Pulay, pahinante ng truck, at ang cashier ng Shell gasoline station na si Tomas  dela Roma na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa mga sugat at lapnos sa katawan.

Isa pang van na nagpapakarga ng gasolina ang nasunog nang magliyab ang gasoline station na agad naapula ng mga bombero.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:00 ng madaling araw nang banggain ng dump truck ang gasolinahan sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Karuhatan.

(Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …