Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, di raw natagalan ang ugali ni Cristine (Aktres, sobrang apektado ng kanilang split-up)

BALITANG matindi ang kalungkutan ngayon ni Cristine Reyes dahil sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay.  Mas apektado raw ang star ng seryeng  Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaysa kay Derek.

Expected naman ng karamihan na hindi sila talaga magtatagal. How true na hindi nakayanan ni Derek ang ugali ni Cristine kaya isa umano ito sa dahilan ng split-up?

Nananatiling tahimik lang si Derek at ayaw pag-usapan ang paghihiwalay nila.

“We are giving each other space,” ang matipid lang niyang pahayag.

Pero nananatili silang professional dahil tinatapos pa rin nila ang pelikulang pinagsamahan sa Viva Films.

Magsasama rin ang dalawa sa Hawaii show  ngayong October  at hindi hinayaan ng talent manager na si Jojie Dingcong na maapektuhan ang  natanguang commitments sa nangyari sa lovelife ng dalawa.

Hindi kaya bumalik ang matamis nilang relasyon at makapag-usap ng masinsinan habang nasa Hawaii sila?

Gerald, nag-level-up na ang acting

IBANG atake ng acting ang nakikita kay Gerald Anderson sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng Dreamscape Entertainment Television at ng ABS-CBN 2. After Budoy mas lalong gumaling si Gerald. Ibang-iba na talaga noong lumabas siya sa PBB house na walang kalalim-lalim na umarte.

Sa December pa nakatakdang mag-ending ang Bukas Na  Lang Kita Mamahalinbna nasa pang-apat na timeslot sa primetime  series (simula sa Juan Dela Cruz) dahil maselan ang tema nito na may rape, patayan, at paghihiganti.

Pero hindi ka aantukin sa seryeng ito  dahil maganda at mataas ang kalidad nito at kakaiba ang takbo ng istorya na tinatampukan din nina Dawn Zulueta, Dina Bonnevie,  Tonton  Gutierrez, Rayver Cruz, at Cristine Reyes.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …