Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boss, iprinoprotesta ng production staff dahil sa sobrang pagpa-power trip

HINDI na kami magtataka kung isang araw ay iprotesta ng buong production staff ang isa sa boss nila dahil nagpa-power trip daw at may favoritism.

Marami kaming narinig na reklamo ng staff tungkol sa isa sa boss nila, bagay na hindi na namin ikinagulat dahil ganito rin pala ang ugali ng nasabing boss noong nasa ibang TV network pa siya at sa katunayan ay nagkaroon nga raw ng protesta laban sa kanya kaya lumipat na siya ng ibang TV network.

Samantala, hindi lang pala mga staff ang hindi kasundo ng isa sa boss ng programa kundi maging ang hosts ay ayaw din sa boss.

Kaya nga umalis na ang isa sa host dahil hindi kinaya ang power trip ng isa sa boss.

Puring-puri naman ng production staff ang pinaka-bossing ng show dahil magalang daw itong makipag-usap sa tao, marunong maglambing at higit sa lahat pantay-pantay ang trato sa lahat.

Sa madaling salita kapag ganito karami ang may ayaw sa nasabing boss ay posibleng iprotesta siya at ilipat ulit? Eh, saang TV network siya lilipat pa, eh, napuntahan na niya lahat, maliban sa UNTV at Net 25.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …