BAD feng shui ba kung ang banyo ay nasa gitna ng bahay? Ang banyo sa gitna ng bahay ay kadalasang ikinokonsidera bilang bad feng shui. Dahil ang gitna ng bahay ay ang puso ng lugar sa feng shui, ito ay tinaguriang yin-yang point; ito ay dapat na bukas, malinawag at may kagandahan.
Sa feng shui, ang gitna ng bahay ay ikinokonsidera rin bilang erya na kung saan ang iba pang guas (o feng shui areas) ay tumatanggap ng enerhiya.
Paano kung ang inyong banyo ay nasa gitna ng bahay? Kailangan bang maglagay ng malaking salamin sa pintuan bilang feng shui cure? Hindi po.
Mainam na ang gitna ng bahay ay “light and open/happy,” dahilang ito ang puso ng bahay sa feng shui at sa maraming dahilan ay direktang nakakonekta sa inyong puso.
Una, magsumikap na mapanatiling malinis at walang kalat ang banyo. Gayundin, dapat na magkaroon ng sense of beauty ang home center bathroom. Kailangan ding tiyaking malinis ang hangin. Sikapin ding maliwanag sa loob nito. Maglagay ng feng shui cures ng Earth at Fire feng shui elements, maaaring sa kulay, décor items, hugis at iba pa. Ang dalawa sa ano mang feng shui elements na ito ay mainam para sa enerhiya ng gitna ng bahay.
Lady Choi