Tuesday , May 13 2025

2 patay, 2 sugatan, nene kritikal (Suspected carnapper binaril agad ng HPG)

PATAY ang isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) at isang hinihinalang carnapper habang sugatan ang lima katao, kabilang ang dalawang pulis sa palitan ng putok ng dalawang pulis at mga suspek sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Muntinlupa si SPO1 Macario Romano ng HPG dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang namatay rin habang ginagamot sa Alabang Medical Clinic ang pinaghinalaang carnapper na si Michael Maranan, alyas Jordan, 33, ng Fabian Compound, Alabang, Muntinlupa.

Sugatan sa naturang insidente sina SPO1 Aniceto Santiago ng HPG, PO3 Mersan Rapirap ng Muntinlupa police station at tatlong bystander na tinamaan ng ligaw na bala na sina Aileen Duran, 30, Anna Loraine Maranan, 28, habang kritikal naman sa tama ng ligaw na bala ang 10-taon gulang na si Heart Macapagal, mga residente ng Fabian Compound. Ang mga sugatan ay isinugod sa Ospital ng Muntinlupa habang inilipat sa Orthopedic Hospital si SPO1 Santiago nang makita ang bala na nakabaon sa kanyang gulugod.

Sa ulat na ipinadala ni Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega kay Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte, naganap ang barilan dakong 9:30 ng gabi matapos magsagawa ng anti-carnapping operation ang HPG laban kay Maranan. Napag-alamang papauwi na mula sa duty si Rapirap nang masaksihan ang nagaganap na barilan sa naturang compound kung saan siya naninirahan.

Sa pag-aakalang mga kriminal din ang dalawang pulis na miyembro ng HPG, nagresponde si Rapirap at nakipagbarilan sa mga kapwa pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Romano at ng suspek na si Maranan.

(JAJA GARCIA/

MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *