HINDI lang basta kung sino lang sa hanay ng entertainment press ang hiningan namin ng intelihenteng opinyon sa naging reaksiyon ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account the day after Senator Jinggoy Estrada implicated her husband Senator Kiko Pangilinan in the controversial pork barrel scam in his privilege speech.
Much has been said and written about sa ipinost ng Megastar only to erase such posts na kumalat na rin naman. At tila nang mahimasmasan, isang mapagbirong Sharon na ang tumambad sa kanyang mga Twitter follower.
Public knowledge na isang aktibong Twitter user si Sharon, nagsisilbing mouthpiece niya ito perhaps in lieu of a sorely missed talk show na nakasanayan na niya back in her ABS-CBN days. Bukod dito, Sharon has found a loyal ally in Twitter sa kanyang pagtatanggol sa anak niyang si KC Concepcionamidst nasty talks.
After all, karapatan naman ni Sharon—at ninuman for that matter—na isiwalat ang kanyang mga saloobin sa anumang paksa lalo’t sangkot ang sinumang taong malapit sa kanyang puso.
Yet, ang naging reaksiyon ni Sharon in response to Jinggoy’s implication of her husband Kiko, sa halip na pag-ayuda ang kanyang inani, left a bad taste in the mouth.
It’s a known fact na namulat si Sharon sa mundo ng politika at pamomolitika ng kanyang yumaong ama who had served as mayor of Pasay City for the longest time. A Pasay City resident and a voter myself, bahala na siguro ang mga kapwa ko Pasayeno na inabot ang napakatagal nang panunungkulan ni Mayor Pablo Cuneta as to what they have to say about “theft” in our local government.
Pero immaterial na ito.
At the very least, sa aming opinyon, ang mas kaaya-aya sanang posisyon ni Sharon sa pagbatikos sa kanyang asawang mambabatas ay ang tiwala pa rin niya sa isinasagawang imbestigasyon sa Senado to ferret out the truth, period.
Sharon may as well take a cue from the wives of Kiko’s co-equals perceived to be the main target of theP-Noy Administration. May violent reactions ba tayong narinig mula kay Precy Ejercito na maybahay ni Jinggoy, o kay Congresswoman Lani Mercado para kay Senator Bong Revilla, o kung sinuman ang kabiyak ni Senator Juan Ponce Enrile?
All three spouses have not only maintained their dignified silence, nor have they resorted to social media in defense of the masters of their homes.
Sa pagbura ni Sharon ng kanyang ipinost, isa lang ang maaari naming isipin: she merely acted on impulse.
And as for the P10-M pabuya to whoever can prove na nagnakaw si Kiko sa kaban ng bayan, this line sounds familiar like a broken, if not a pirated CD (dahil hindi na uso ang plaka, ‘no!). May dare na rin noon si Sharon sa mga nagkakalat ng umano’y the other woman ni Kiko.
What an interesting transition: from mistress to distress.
Raymond, ‘di maitago ang quizzical stance sa mga eklayerang naiinterbyu
MAARTE na kung maarte magsalita na litaw na litaw ang kanyang American twang and tongue, butRaymond Gutierrez is simply made of natural stuff.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami that the Gutierrez family had practically lived in the States when its patriarch Tito Eddie was no longer active in showbiz. Bagamat life was not easy as it seemed, lumaking maayos ang mga anak from out of Annabelle Rama’s womb.
With such buhay-Amerika, what then would one expect from a child kundi ang magsalita ito the way an American does?
But there’s more to Raymond’s being articulate. Pardon the comparison between the twins, kompara kay Richard ay mas artikulado at walang kiyeme ang kakambal nito. Hence, Raymond is undeniably cut out for hosting more than his twin brother na nag-e-excel naman sa pagganap.
Sa programang Showbiz Police, Raymond is the youngest among the four main hosts, yet he’s no greenhorn sa larangan ng entertainment hosting. Nahasa si Raymond sa mga talk show ng GMA only to spring back on air armed with greater confidence in his skill.
Aminado nga lang si Raymond na hindi niya kayang itago ang kanyang quizzical stance sa mga eklayerang naiinterbyu niya sa Showbiz Police, even his friends text him that there are evident twitches on his face.
Patunay lang na sinasakyan din lang niya ang trip ng kanyang echoserang panauhin.
Ronnie Carrasco III