Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sangalang kursunada ng Ginebra

NAIS ni Barangay Ginebra San Miguel na piliin si Ian Sangalang bilang top pick nito sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place sa Malate, Maynila.

Kilala kasi ni coach Ato Agustin si Sangalang dulot ng kanilang pagsasama noon sa San Sebastian College sa NCAA.

Nais ni Agustin na gamitin si Sangalang para hasain ang running game ng Kings dahil kahit matangkad ang huli ay mabilis din itong tumakbo.

Ngunit isa pang puwedeng piliin ng Ginebra ay si Bobby Ray Parks kung itutuloy niya ang kanyang balak na magpalista sa draft at huwag nang maglaro sa National University sa susunod na taon.

Wala pang opisyal na pahayag si Parks tungkol sa bagay na ito mula noong natalo ang Bulldogs sa Final Four ng UAAP kontra University of Santo Tomas kamakailan.       (J. Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …