PAANO mapoproteksyunan ang sarili? Maka-tutulong ba ang feng shui?
Oo naman, ang feng shui ay maraming protection cures para sa bahay, gayundin ay may iba’t ibang charms na maaaring isuot upang maprotekta-han ang sari-ling personal energy. Ngunit may dalawang punto na dapat maging malinaw, bago sumubok ng feng shui protection cures.
• Ano ang dapat mong proteksyunan? Magsimula sa paglalahad kung ano ang nais mong proteksyon. Sa pagiging espesipiko, magkakaroon ng magandang resulta, ngunit kung malabo o general statement, posibleng hindi ito maka-tulong.
• Gaano mo katagal kailangan ang proteks-yon? Maaaring medyo tricky ang tanong na ito, ngunit kung magsusumikap ka na maging malinaw ang iyong sagot, tiyak na ikaw ay matutulungan. Kung hindi, maaaring mangibabaw lamang sa iyo ang takot at ilusyon na magpapahina sa iyong enerhiya.
Kaya, halimbawa, lahat ng bagay ay nangangailangan ng proteksyon pansamantala, katulad ng sanggol, maliit na puno, o maliit na leon; kailangan ang proteksyon na ito hangga’t ang sanggol, maliit na puno o maliit na leon ay hindi pa sapat ang lakas at kaalaman para maprotektahan ang kanilang sarili.
Kadalasang sa paggamit ng feng shui protection ng tao, lalo lamang nangingibabaw ang kanilang takot. Ipinahihiwatig lamang na ikaw ay mahina at under attack.
Kaya ang tamang kasagutan ay mag-focus sa pagpapalakas ng iyong sariling energy field, ito ay magagawa sa maraming pamamaraan, katulad ng good sleep, exercise, good food, good thoughts, balanse at positibong emosyon, etc.
Ganito rin sa bahay – magbuo ng good feng shui foundation sa inyong tahanan sa pa-mamagitan ng pag-aalis sa clutter, pag-aruga sa lahat ng basics katulad ng hangin, liwanag, pagsaliksik sa inyong home bagua, etc.
Sa pamamagitan nito, mapalalakas ang enerhiya sa loob, at mabubuo ang power reservoir. Gayundin, maaari mo na ring gamitin ang discerning eye upang makita ang potentially challenging energies sa iyong paligid o paligid ng inyong bahay. Maaari mong ugaliin na maging alerto sa iyong paligid at mabilis na mabusisi ang kapaligiran (sa loob at labas) para sa potential challenges sa iyong sari-ling kagalingan, at ikaw ay magkakaroon ng very helpful tool na iyong magagamit na proteks-yon.
Lady Choi