Thursday , November 14 2024

Mapagsamantalang Park and Ride terminal

The angel of the LORD encamps around those who fear him, and he delivers them..—Psalm 34:7

SINASAMANTALA ng Park and Ride Ma-nagement ang ‘pag-spoiled’ sa kanila ng Manila City Government dahil sa kanilang terminal lamang maaaring pumasok ang lahat ng city buses na bumibiyahe sa Maynila.

Gaya ng sumbong sa atin, bagama’t napakaliit na usapin, malaking pasanin naman ito sa mga mahihirap nating commuters.

***

HETO kasi palikuran nila o comfort room ay nagtaas ng fee noon ay P10 lamang, ngayon ay P11.25 na! Naglaan pa ng butal dahil alam naman nila mahirap maghagilap ng bente singko barya sa bulsa.

Kaya karaniwan ang P12 na bayad ay minsan hindi na rin nasusuklian o pinagkikibit balikat na lang ng mga kawawang pasahero.

***

KUNG susumahin natin, kung ang lahat ng pasahero ay gumagamit ng kanilang c.r, halimbawa may 1,000 ang pumasok sa kanilang c.r sa loob ng isang araw, 1000 x 11.25 lumalabas na may P11,250 nakokolekta ang Park and Ride kada araw sa kanilang raket pa lamang na c.r.

Idagdag mo pa ang P75 terminal fee na kanilang nakukuha sa mga city buses at FXs tumatabo ngayon ng milyong piso kada araw ang kanilang kita.

Siyempre may parte si Eddie . . . e d cya!

***

SA totoo lang mga kabarangay, hindi ba’t dapat libre ang comfort room sa mga terminal? Natural kasi kapag may transport terminal dapat may magagamit na c.r ang mga tao,. basic necessity ang call of nature, pero pati ito ay pinagkakakitaan pa ng mga hunghang na may-ari ng Park and Ride!

Dahil alam nilang walang mapupuntahan ang mga naghihintay na pasahero kapag tinawag ng kalikasan, ‘ayun sinasamantala nila pati ang bagay na ito, gayong napakabaho naman ng kanilang c.r!

Napakatuso talaga ng Park and Ride, pweee!

***

NAIINIS din ang mga pasahero dahil napakainit sa loob ng terminal, napakabaho ng mga usok ng bus at habang nakapila ay sangkaterba ang nalalanghap mula sa loob. Wala kasi exhaust fan upang maitaboy ang maitim na usok ng mga pumapasok at lumabas na buses at FX sa terminal.

Napakarumi ng paligid ng terminal, walang kaayos-ayos pati sa paraan nang pagpila ng mga pasahero. Ang mga FXs na pumapasok ay mga colorum pa!

Dapat malaman ito ng Pangulong Joseph “Erap” Estrada, dahil siya ang masisi dito sa bandang huli!

Pangulong Erap, paki-alaman n’yo nga po ito!

HUMANGA KAY MAYOR LIM

MARAMI ang nagulat sa inilabas natin kolum ukol sa “palihim” at tahimik na pagtulong ni Mayor Alfredo Lim kay Rodelio “Dondon” Lanuza, ang OFW na may 13 taon nakulong at nahatulan ng bitay ng Saudi court dahil sa kasong murder.

Hindi nila akalain na may ginampanan papel pala si Mayor Lim upang maipaabot sa Pangulong Pnoy ang kalagayan ni Dondon sa Saudi jail. Hanggang sa lumakas ang panawagan sa publiko para mapalaya ito at maibsan ang hini-hinging blood money ng pamilya nadisgrasya ni Dondon.

***

ANILA, kakaiba pala ang ginagawang pagtulong ni Mayor Lim sa mga tao. Hindi mahilig sa press release, hindi ipinagmamayabang.

Nailigtas sa parusang kamatayan si Dondon dahil sa pagpupursige ng mga taong may malasakit sa kanyang kapwa, kabilang na si Mayor Lim at katotong si Percy Lapid na ang-ubos ng kanyang laway sa radio program upang mapansin ng gobyerno ang kaso ni Dondon. Si Dondon ay laking Maynila at residente ng Sampaloc, kaya isang magandang bagay na nailgtas natin ang buhay ng isang taga-Maynila.

Mabuhay ka Mayor Lim!

HAPPY BIRTHDAY

FIGHTER SANDRA CAM!

HAPPY HAPPY Birthday to Madame Sandra Cam, my wonderful friend and a fighter woman, ngayon po ang kanyang kaarawan. Si Sandra ay kagaya din ng inyong Lingkod, matapang basta nasa katuwiran, palaban kung kinakailangan, tumutulong nang walang kapalit at higit sa lahat kapwa ko malakas at may ganang kumain sa mga buffet promo! Hehehe!

Nakasundo ko agad si Sandra sa maikling panahon nang pagkakakilala, dahil sa kanyang mga paninindigan nang tama at wasto para sa kapakanan ng publiko.

***

SI Madame Sandra ang tumatayo ngayon, pangulo ng Whistle blower Association of the Philippines. Isang asosasyon na nagtataguyod ng proteksyon at pagkakaisa ng lahat ng sibilyan lumalantad sa ngalan ng katotohanan na katulad niya na nag-expose ng jueteng payola ng mga kilalang personalidad at politiko noon.

My good friend, I wish you all the best! Good health and more blessing in your life to come!

Stay beautiful fighter Sandra!

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *