Friday , April 18 2025

Lifestyle check sa BOC; ‘nag-iyakan’ at mga kapit-tuko, unahin!

ITINUWID na Disbursement Acceleration Program (DAP) este, plano na palang  ipahinto ng Palasyo ang pagbibigay ng DAP. Plano lang, ang dapat ay tigilan na ito dahil ilegal daw.

Kung hindi pa nabuko ang Napoles PDAF scam, marahil ay hindi rin nabuko ang DAP na sinasabing suhol ng Palasyo sa mga pumabor na masibak si dating Chief Justice Renato.

Teka gano’n na lang ba iyon? Hanggang pagpapahinto? Ang dapat  ay bawiin ang mga naipamigay ng DAP. Ibalik sa kaban ng bayan.

Tuwid na gobyerno ang target ni PNoy hindi po ba? So, dapat na kanyang ituwid ang kamalian sa DAP. Kunsabagay, ba’t nga naman gagawin ito ni PNoy e, sa kanya ay legal na legal ito. Oo nga naman pero, aaminin ba ni PNoy na ilegal ito?

Hay, ang yaman pala ng Filipinas, kung sana’y ipinamigay sa bawat Filipino ang DAP maging ang mga naibulsang PDAF, malamang walang mahirap na Pinoy ngayon. Lahat ay  abot tenga ang ngiti.

Kaya kung talagang seryoso si PNoy sa pag-lilinis dapat simulan niya ito sa kanyang bakuran.

Pero infairness naman kay PNoy, nasaksihan naman natin ang patuloy na paglilinis niya sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Unang nililinis ni PNoy ang pinakamaruming Bureau of Customs (BoC). Akalain n’yo nga naman kasi, P200 bilyon ang koleksyon ng Aduana ang naibulsa daw ng makakapal ang pamumukha sa ahensiya.

Kaya hayun, sa galit ni PNoy, ‘pinagsisibak’ niya ang mga top brass ng ahensya. Ang iba ay inilipat. Kaya hayun ang ibang nagalaw ay nag-iyakan at humingi ng saklolo sa korte para harangin ang kampanya ni PNoy.

Ano kaya ang mayroon sa BoC at kapit-tuko ang ilan sa nakasama sa rigodon? Ano pa? Kaya tama rin ang suhestiyon na dapat din isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng BoC lalo na ang mga nag-iyakan. Para magkabukuhan na.

Well, seryoso talaga si PNoy sa BoC. Pinaninindigan niya ang kanyang hakbangin. Natatanging siya lang ang Pangulo na nakagawa ng ganito – isa nga ay ang “sibakin” ang lahat ng deputy commissioner maliban kay Danny Lim na nagbitiw. Si Lim na may panindigan. Pinanindigan ang pagbitiw.

Kaya, napailing na lamang daw si PNoy sa napaulat na kanyang ibabalik sa BoC ang isa sa tinanggal niyang deputy commissioner.

Sabi ng isa opisyal sa Palasyo na malapit kay Pangulo. Nakarating daw kay PNoy ang ipinangalaladakan ng ilang kawani ng BoC na tini-yak daw ng Pangulo na ibabalik niya bilang de-puty commissioner  ang isa sa kanyang sinibak at sa Intelligence Group pa raw ilalagay.

Hinding-hindi raw  mangyayari iyon sabi ng opisyal. Kapag mangyari daw iyon, malamang na taumbayan na ang magagalit o makakalaban ng Pangulo. Oo nga naman, ‘labo talagang mangyari iyon. Kahit kanino mangyari ito, hindi mo naman siguro ibabalik pa sa puwesto ang ina-yawan mo na. Maliban siguro kung utang na loob ang pag-uusapan dito na nakatulong noong panahon ng eleksyon. Pero sa kabila pa rin ng lahat ng pinagsasabi ng Palasyo na malabong mangyari ang tsimis, lakas-loob pa rin iniyayabang ng ilang taga-BoC na ibabalik sa posisyon ang isa sa deputy commissioner na nasibak. Naku, tigilan na ninyong managinip nang gising.

Para sa inyong kaalaman, galit  ang Pangulo sa mga kapit-tuko. Obvious kasi na may hinahabol sila sa BoC. Kita mo iyong iba, nag-iyakan sa korte. Tsk … tsk … tsk … kawawang ‘Pinas harap-harapang ginagahasa ng iilan para sa sariling interes.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *