Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kandidatong ex-convict dadagsa sa barangay polls (DQ vs Erap pinamamadali sa Supreme Court)

100813_FRONT

MAAARING samantalahin ng mga kriminal ang pagtakbo sa halalan kapag hindi nalutas ng Korte Suprema ang disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada bilang mayoralty candidate sa Maynila noong nakalipas na halalan.

Ito ang pangamba ng People’s Movement for the Rule of Law and Propriety (MRLP), kaya nananawagan ang anti-crime at anti-graft group sa Korte Suprema na madaliin na ang pagresolba sa disqualification case na  isinampa ni Atty. Alice Vidal laban kay Erap, batay sa Local Government Code at Revised Penal Code.

Giit ni Vidal sa kanyang petisyon sa Korte Suprema, walang karapatang tumakbo si Erap kahit siya’y pinalaya sa bisa ng conditional pardon na iginawad sa kanya ni dating Pangulong Glori Macapagal-Arroyo dahil nakasaad sa Section 2 Article 36 ng Revised Penal Code na dapat ay maliwanag na nakasaad sa pardon na ibinabalik na sa convicted criminal ang karapatang maluklok sa puwesto sa gobyerno at karapatan niyang bumoto.

Ginawa rin batayan ni Vidal ang naging basehan ng Korte Suprema sa pagdiskuwalipika kay Jalosjos na Section 40 ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 na nagsasaad na hindi na puwedeng kumandidato sa ano mang posisyon sa lokal na pamahalaan ang nahatulan ng hukuman dahil sa kasong may kinalaman sa moral turpitude, tulad ng rape, pagnanakaw at iba pa at ang mga nasentensiyahan ng korte ng mahigit sa isang taon pagkakabilanggo.

Sinabi ng Radio DWBL broadcaster at newspaper columnist na si Peter Talastas, tagapagsalita ng MRLP, malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga kandidatong ex-convict sa darating na barangay elections sa Oktubre 28, dulot nang pagpapahintulot ng Commission on Elections (Comelec) na tumakbo sa halalan si  Erap, habang si convicted child rapist Romeo Jalosjos naman ay hindi pinahintulutang lumahok sa eleksiyon ng poll body at ng Supreme Court.

Ani Talastas, lumilikha ng kalituhan sa interpretasyon ng batas kaugnay ng diskwalipikasyon ng kandidato sa halalan,  ang magkaibang opinion ng Comelec sa kaso nina Jalosjos, kaya kailangan nang madaliin ng Supreme Court ang desisyon sa disqualification case ni Erap upang matuldukan na ang mga pagtatangka ng mga kriminal na maluklok sa pamahalaan.

“Wala naman dapat gawin ang Korte Suprema kundi ang igiit ang ‘rule of law’ upang maipamukha sa mga gumawa ng mali, na may mga umiiral na batas sa ating  bansa  na  kailangang ipatupad ng awtoridad at sundin ng mga mamamayan,” ani Talastas.

ni PERCY LAPID

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …