Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, pakakasalan na si Isabel sa 2014 (Pagpo-propose sa dalaga, pinag-iisipan na!)

KUNG hindi magbabago ang plano ay sa taong 2014 na magpapakasal si John Prats sa kasalukuyang girlfriend niyang si Isabel Oli.

“I think she’s (Isabel Oli) the one na talaga,” say ng aktor nang maka-tsikahan naming kahapon sa I Dare You presscon.

Ayon kay Pratty (tawag kay John), ay si Isabel na ang huling babae sa buhay niya dahil pinag-iisipan niya kung kailan at paano siya magpo-propose.

“Pinag-isipan ko na at kung paano. At saka ramdam ko na siya na talaga, bukod pa sa pine-pressure ako ng daddy ko, sabi nga niya, ‘O, John ano?’ Kasi gusto na nilang magka-apo.

“Ayoko namang mag-anak ng hindi kasal, gusto ko tamang proseso, kasal muna bago anak,” kuwento ni John.

At dahil magkaiba ng relihiyon sina John at Isabel ay dalawang beses daw sila ikakasal.

“Eh, kasi Christian si Isabel, Katoliko naman kami, so dalawang beses kaming ikakasal, pero isang araw lang gagawin para hindi magastos. Pag-uusapan lang kung saan at anong oras.

“Gusto kasi ni Isabel garden wedding, so ganoon. At saka simpleng kasalan lang daw, eh, ‘di mas okay, ‘di ba?” masayang sabi ni Pratty.

Ano ba ang nagustuhan ng aktor sa dalaga?

“Sobrang simple, hindi mahilig kumain sa mamahalin, niyaya ko minsan sa The Heat o sa hotel, ayaw, mas type niya sa simple lang. Ayaw din ng mamahaling bags.  Koboy pa,” kuwento nito.

Isa lang ang hindi alam gawin ni Isabel sa bahay, ang magluto kaya naman payo ng aktor ay, “kaya nga plano niyang mag-enrol sa culinary para matuto, siyempre, gusto ko rin namang makatikim ng luto niya.”

Samantala, sa I Dare You ay inamin ni John na may phobia siya sa heights kaya sobrang kaba at naiiyak siya habang nakasakay sa chopper na ang piloto ay si Jewel Mische bilang challenge sa kanila.

“Kasi roon ko lang naman nakilala si Jewel, doon lang kami nag-usap, tapos heto, ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kanya? Parang, ano ba ‘yun?” kuwento sa amin ng binata.

Kaya abangan daw ang iba pang I Dare You challenges na ginawa ng bawat hosts na sina Robi Domingo, Deniesse Aguilar, Melai Cantiveros na mapapanood na sa Sabado, Oktubre 12, 9:00 p.m..

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …