Thursday , November 21 2024

HK media pinalayas sa APEC coverage (Binastos si PNoy)

100813_FRONT

BALI, Indonesia – Pinanindigan ng APEC Organizing Committee ang pagtanggal sa accreditation o access ng siyam miyembro ng Hong Kong media.

Nag-ugat ito sa paninigaw ng tatlo nilang journalists habang papasok si Pangulong Benigno Aquino III sa APEC CEO Summit.

Pilit nilang tinatanong ang Pangulong Aquino hinggil sa Manila hostage crisis na maraing Hong Kong nationals ang napatay.

Kabilang  sa mga apektadong mamamahayag ay galing sa Now TV, RTHK at Commercial Radio.

Sinabi ni Gatot Dewa Broto, ang Indonesian communications ministry official na in-charge sa APEC media center, hindi katanggap-tanggap ang ganitong asal ng mamamahayag na mistulang nagpoprotesta na.

“We deemed it improper for media to act that way, as they didn’t talk normally but they were very demonstrative, like they were protesting,’’ ani Broto.

Sinabi naman ni Communications Sec. Ricky Carandang, lumagpas ang nasabing mga mamamahayag sa ethical boundary.

“As a former journalist I know what it’s like to aggressively question a subject,’’ ani Carandang. “The behavior of these reporters crossed the line from mere questioning to heckling, and was even construed by Indonesian security personnel assigned to the president as a potential physical threat to him.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *